sindikato [setting: sa isang warehouse na maraming talahib sa likod]
march 11, 2007.
usually pagkatapos magsimba, kakain kaming buong familia sa labas.
minsan lunch. minsan dinner.
kanina. kakaiba ang experience.
lahat kmi undecided where to eat. err.
gusto ko sana Chef D'Angelo. pero si ate doon na kasi ata naglunch.
gusto naman ng mom ko Terriyaki Boy. gusto ni bunso kahit saan na may chicken. gusto ni pangatlo sa Tokyo Tokyo.
basta si ate gusto daw sa busugan. habang ang tatay ko, gusto niya ng marinig kung saan kakain para makapagdrive siya ng maayos.
hakker. nauwi kami sa SuperBowl of China.
dahil malapit sa sinimbahan namin ang Jupiter Street sa Makati, sa SuperBowl-Jupiter kami nagpunta.
pumasok kami on our own. wala man lang sumalubong or nag-open ng door for us.
there.there.
we were seated. they gave us the menu and a bowl of kropek.
hakker. multi-colored na kropek. shining pa with the mantika coating.
pssft. edi.edi. pili kami ng pili sa menu.
gusto ko ng siomai. tsaka ng deep fried cuttlefish with spicy salt and pepper.
lumapit ang server. "sir, kukunin ko na po ang orders niyo."
[napalingon yung dad ko sabay turo kay ate.]
ate: "isang yang chow fried rice na super size, tapos isang deep fried cuttlefish with spicy salt and pepper, tsaka..."
server: "nako mam.pasensya na po muna kasi wala na pong cuttlefish."
kat: whaaat?! wala na..oh no..teka teka sandali. ano kapalit non.?!? shet. wala akong handang plan B.
ate: "hmm.sige yung steamed shrimp with..."
server: "ay mam, wala na rin po yun."
nagsalita na si mimom [mommy]..
"tara sa Neptune.pack up."
kat:[nalilito] "ha?!? neptune?? ano meron don??!?
aalis na tayo??!"
server: "mam, sir, pasensya na po kayo a..naubos po kasi agad e..."
mom:"ok lang yun.ano ka ba.pasensya na rin at naubos namin yung multi-colored kropek niyo."
natawa yung server. umalis na lang kami.
Neptune. Neptune.
may kainan ba don?? haii tae.. dahil nabitin kami sa chinese food sa Superbowl, sa HapChan kmi kakain.
pssft.
wow.first time sa neptune.
edi.pumasok na kami.
pagpasok, wala kang makikita kundi isang typical na chinese restaurant. hindi siya yung mga kainan na may ambiance o temang gustong mangyari.
basta kainan lang siya. may mga mesa't upuan. flourescent lights. tapos.
ultimong pinggan at mga tasa plain white lang.
hindi magarbo. hindi mo aakalaing asa makati ka.
ang pakiramdam ko ng mga panahon na yan ay asa Binondo raw ako. puro true-blooded na mga intsik din kasi yung kasabay naming kumain.
asa kalagitnaan ako ng aking pagkain ng may nakita akong gulong sa aking peripheral vision.
kainan toh. may gulong??! ano yun??!!
susubo na sana ako nang maagaw ng dalawang malalaking gulong ang aking atensyon.
napalingon ako.
tumambad sa aking mukha ang isang hindi kilalang tao.
nakakatakot siya. mukha siyang kalaban sa mga action movies! kung sakaling mag-aaudition siya bilang extra, paniguradong makakapasa siya!!! kulang na lang, leather jacket. hudlum na hudlum ang dating! ahaha.
sa pagkakalingon ko'y nagkita ang aming mga mata. nag-eyeball [E.B.] ika nga.
pero nakanampotek. sa sobrang takot ko, nasubo ko bigla ang nabiting kinakain ko. shet. parang kidnapper.
magka-hilera kami.
mga dalawang ruler lang ang aming pagitan. nakaupo ako sa aking upuan. samantalang siya'y nakaupo sa kanyang wheel chair.
i wonder why. bakit kaya siya may wheel chair? may sakit? naaksidente?
nabaril ng kalaban??
sa pagkakalapit ng aming mga mesa'y hindi ko naiwasang marinig ang kanilang mga pag-uusap.
bigla akong kinabahan. totoo ba ito???! usapang sindikato ang aking naririnig.
ang taong akala kong puwedeng maging extra sa isang pelikula'y nagmistulang mastermind sa aking paningin.
natahimik ako. nakinig ng mas maigi.
"mapapahamak sa Ronnie kung ganon. sa tingin mo ba, pagkatapos ng kasal bigla na lang susulpot yun? pare hindi.kaya yan ang sinasabi ko.dapat matagal nang nilikpit yan.."
OH SHET! heee.
lalo akong kinabahan. totoo ba ito?!?
oh dear!!! hakker. may katabi akong mamang maaaring matagal nang wanted ng mga kulungan.
hindi na lang ako kumibo. [takot mode na ko weh]
natapos na kaming kumain. naiwan pa sila sa loob. pssft. ang lahat ng aking narinig ay mananatiling isang malaking sikret.
nakakatakot. nakakakaba.
sshhh..
[end]
8:57 PM |
No comments:
Post a Comment