trip.
gusto kong magpakalayo.
tumambay sa lugar na hindi kilala.
magliwaliw mag-isa.
naiisip kong tumambay sa helipad ng isang prominenteng building sa ayala.
puwede kaya yun???
sana.
pwede rin naman kayang,
tumambay ako isang Linggo ng hapon sa ayala.
wala namang tao don e.
tatambay lang sa lobby ng isang building.
tatanga sa kalyeng walang taong naglalakad.
astig.
di kaya may isang taong maghagis sa akin ng barya?
baka akalaing pulubi ako.
heek.
edi mas ayos.
pamasahe rin yun.
salamat.
ahehehehe.
o kaya.
puwede ring manood ako ng sine.
oo.
tatambay lang ako sa loob.
uupo.
hindi sa malambot at natutuping upuan
kundi sa hagdan.
oo.
doon nga.
maganda un.
umiilaw sa dilim
color green! ^_^
tapos tapos.
bibili rin ako ng maraming holy kettle corn!
heee.
ung malaki!
ung pinaka-malaki!!!
peyborit ko un.
tapos tapos
kapag gabi na.
pupunta ko sa greenbelt.
oo.
sa lugar ng mga konyo.
pero.pero.pero.
doon ako tatambay sa paborito kong puno.
mananatili ako don.
magpapalipas ng gabi.
magsstar-gazing mag-isa.
hakk.
pwede ring magdala ng digicam.
oo.
tama.
magcacamwhoring ako don.
pictorial alone.
ayos!
heee.
ang saya.
haii.
tapos.
uuwi ako.
maglalakad sa ayala.
papara ng aircon na bus.
sasakay.
uupo.
makikinig kay empee.
itotodo ang volume.
bababa sa kanto ng edsa.
maglalakad sa liwanag ng buwan.
liliko sa kanto ng aming kalye.
papasok sa loob ng gate.
papasok sa pinto.
hihiga sa aking kama.
matutulog ng may ngiti sa mukha.
haiiii.
sana magawa ko ang lahat ng ito.
sana magkatotoo ang isang araw na pangarap ko.
sana.sana.sana
ayan o.mag-isa.aheheh.
++solo flight++
(xxx)
(xxx)
enough said.
No comments:
Post a Comment