3.04.2007

***the ten-peso ride home

sa tuwing manggagaling ako sa eskwela.
sa tuwing manggagaling ako sa duty.
sa tuwing manggagaling ako sa ospital.
sa tuwing manggagaling ako sa glorietta.
sa tuwing manggagaling ako sa bahay ng kaibigan,



merong isang katangi-tanging bagay ang aking kinakailangang gawin
upang makarating ako sa aming bahay.



ito ay ang sampung-pisong sakay pauwi.
oo.
sampung-piso lang.


papara ka ng isang bus na patungo kahit saan basta ba daraan ito sa EDSA.



tama.
kahit anong bus na pa-northbound at dadaan sa EDSA, ang aking dapat masakyan.


siyempre, exluded na don ang mga patungo ng probinsya.
hindi naman ako doon nakatira.



isang bus na pa-EDSA
panatag na ang loob ko don.


kadalasan, bago ako umalis sa aking pinanggalingan,
inihahanda ko na ang baryang pambayad para sa sakay na iyon.


konduktor: san toh?
kat: sa _______ po.
(kukunin niya agad ang pinaghirapang bilanging barya, tititigan ng saglit at saka pa lamang


kakaripas sa pagkuha ng ticket tig-dadalawang pisong ticket).



sa taga-kolekta nito.
ibinabayad ko ang mga sukling barya sa aking bulsa.



kadalasan, ginagawa ko itong combo.
minsan, isang ten-peso coin.
minsan, isang five-peso coin tsaka 5 pirasong pisong barya.
minsan pa mas matinding combo ang inihahanda ko..
sampung pisong tig-bebente singko.
pssft.
malakas ako mang-trip.
ultimong barya napagtitripan ko.



madalas makikita mo kong naghihintay makasakay kapit ang mga baryang handang


ipambayad.



sa ayala (kung saan ako laging nag-aabang) o minsan nama'y sa buendia, maraming mga


tao akong nakakasabay.



kasabay kong tumayo at maghintay sa bus na daraan.



may aircon.
may ordinary.



mahilig ako sa aircon.
mainit kasi sa pilipinas.



pero.
masaya mag-ordinary.
sampung pisong sakay mo,
para kang nag-rides sa star city.


minsan nga,
daig pa ang mga jeep sa pagharurot.
parang rollercoaster ride.



sa halagang ten pesos.
san ka pa?



masaya sa loob ng bus.
lalo na pag may kasama kang iba.
pero,
sa solitaryong buhay ko ngayon,
tanging si empee lang ang kasama ko.


[si empee: empee-3 player]



sa aking pagkakaupo,
kinakausap ako ng mga kantang pinakikinggan ko.



louder.louder.
tataasan ko pa ang volume para di ko marinig ang:


+malakas na pagsigaw ng nagtatawag na konduktor.
+malalaswang tsismis at kwentuhan ng madadaldal na pasahero.
+madadramang linya ng mga artista sa tv.
+pagmumura ng mainit na ulo na driver
::at higit sa lahat::
+ang boses ng nakikikanta kong katabi



[nakiki-sound trip na nga, sasabayan pa ng pagkanta]



pssft.



sa loob.
maraming taong nakatanga.
oo.
dahil asa loob rin ako ng bus at sa pagkakaalam kong tao rin ako,
isa ko sa kanilang mga nakatanga.



oo.
madalas akong managinip ng gising sa loob ng bus.



nakadungaw sa bintana.
tulala.



maraming bagay ang tumatakbo sa aking isip sa tuwing ako'y napapatanga.



minsan pa nga, naiiyak ako mag-isa.
sadyang madrama.


wala kong pakialam sa katabi ko.
wala rin naman siyang pakialam sa akin.
[except sa nakiki-sound trip niyang mga tenga]
e ano kung pag-isipan niyang nababaliw na ako.
wala kong keme.
sarili kong buhay toh.



kahit ano pa.
marami akong naiisip sa tuwing may sumasakay at bumababa sa bus.



merong mukhang pagod.
merong mukhang pikon.
merong mukhang wala lang.
at pag naka-tsamba,
merong gwapong bigla na lang tatabi sayo.


mahilig rin akong manood ng mga naglalakad sa labas.
kasabay ko kasi ang uwian ng mga empleyado sa opisina.
kaya marami akong nakaka-sabay na naka-corporate attire.


minsan din, merong mga taga-call center
na talagang makikilala mo gawa sa mistulang "uniform" nilang naka-jacket with matching


nakasabit na ID sa leeg.



hakk.
kadalasan
makikita mo silang nagyoyosi break habang nakikipagkwentuhan sa labas ng mga opisina.
marami ring mga naka-tambay doon.
at minsan, meron pang nagpapakitang gilas sa pagse-skateboard.
magaling naman.
hindi basta basta sumisemplang.



sa sampung pisong sakay ko sa bus.
marami akong natutuklasan tungkol sa takbo ng buhay.


maraming bagay ang maaaring maihambing sa isang biyahe ko pauwi.



minsan naisip ko.
mistulang buhay ng isang tao ang bus.



maraming maaaring mangyaring adventure sa loob nito.
marami rin ang nag-aabang sa pagdating nito.
at sa kada paghinto ng bus sa mga sakayan ay
maraming tao ang nagtutulakan para lang makapasok at makaupo ng maayos.
ang iba nama'y nagtitiis na lamang sa pagtayo para lang makisabay.


pero.
minsan.
sa paghinto nito sa sakayan ay marami rin ang bumababa.
umaalis at iniiwanan ang nasakyang bus.


bakit?
dahil narating na nila ang kanilang destinasyon.
nakaabot na ang bus sa hantungan ng kanilang patutunguan kaya dapat na silang bumaba.
umalis.
lisanin ang bus.


parang mga taong dumarating sa ating buhay.
hindi natin alam kung sino, saan, at kailan sila darating.
at sa isang iglap.
sa panahong hindi natin namamalayan,
pumipwesto na pala ito sa pagbaba.
lumilingon kung asa tamang babaan na nakahinto ang sinasakyang bus.
dahan-dahang tatayo sa kinauupuan.
maglalakad patungo sa pinto't
tuluyang bababa sa estribo
at malayang maglalakad patungo sa kung saan man.




sana.
pumarada na sa estasyon ang sarili kong bus.
manahimik na muna't mamahinga.
hanggang sa maging sapat na ang aking langis upang muling bumiyahe't umarangkada sa


lansangan.



sana.sana.sana.


(xxx)




++sa loob ng sasakyan++

(xxx)
enough said.

No comments: