3.27.2007

i'm sorry i was never enough..

"i'll never leave you..."
his words filled her ears.



the girl's heart thumped and started beating faster.



she looked at him.
with his eyes staring back at hers telling her to trust him with his words.



with their hands held together,
there's nothing in this world that the girl could've asked for.



except for one guy.
only for one guy.



that certain guy.



she bowed her head down.
and gripped tighter on his hand.



at that moment.
that very moment.



she can tell.
with him by her side,
there's nothing in this world that
she cannot do.


nothing would be impossible.



she felt the wind caressing her face.
as buses and cars pass by them.



at that moment,
the place where they were sitting does not matter.
just the feeling of having each other side by side makes it more perfect than staying in a high-class, five-star venue.



the coldness of the night.
the dimness of the sky.
the stars shedding lights on them.



just perfect.
perfect night.



from that time on, she started believing.
"we'll eventually get through this.
get through this: together."



she held on to his promise
that he'll never leave her no matter what.



but this world always has its twist on fate.



days passed.
things started going crazy.



with so much unpredictable mood swings and misunderstandings,
they have to take a halt.
put a stop at everything.



they haven't seen each other for a while.
for days.
for weeks.



they just let those hours pass them by.



nobody cared.
except for the girl who still believes in her guy's promise.



wait.
he was never hers.
he just promised her he'll stay.



despite the distance and the time.
the girl decided to wait for the guy's return.



the promise.
the one the girl holds on to.
the only thing that makes this girl strong.
started to fade.



like a perfectly built sandcastle which the waves started to little by little destroy.



she tried to revive things back.
but it never happened.



the hope.
the possibility of them ending up together.
the only chance that she's been asking for can't now be granted by the guy.



for he then started drifting away.
fading in the lights.
and nowhere else to be found..



as all of these were happening,
her world fell down.
with no comfort from her existence
her dreams started to rip off in front of her face.



she couldn't believe what she's going through.



how could it happen to a person with so much love to give?
so much attention to share?
so much care to impart?



how could it happen to someone
who can truly love somebody?
who can give her full loyalty and trust?



there's nothing else that she can do.
than to move on.




she started to
go back to her usual days.
go back to her usual activities.
go back to her usual life.



what she had undergone is indescribable.
without enough words to term the pain that she had to take in



and the pain that she had to forget.



she started to open her eyes again.
looking directly at the most inimical non-living object that God ever made: the world.



the world that was once cruel.
the world that was once had been deleterious and detrimental to an innocent life.



her journey with that first ever love that she was able to really feel did not last.
but the feelings she has for the guy still remained.
she never dreamed of being with somebody else other than that special guy.
she'd included him in her prayers.
in the hope of being with him forever.



though stepping on forward would never be easy for her with all the love that she's ready to give
she has to face it.
looking ahead.
inch by inch.
she has to move on
with the prospect of achieving lifetime happiness.



this time




with somebody else.




(xxx)
enough said.

3.26.2007

***batman [superhero]

Monday, March 12, 2007







si BatMan.



superhero.



tanong: bakit hindi lumilipad si batman?



honga noh.
bket nga ba?


dahil ba may BatMobile na sya kaya hindi na niya kailangang lumipad sa ere?



dahil ba meron siyang ka-sidekick na si robin na mas magiging sweet ang kanilang samahan kung lagi silang magkatabi sa harapan ng BatMobile habang naghahabol ng masasamang kalaban??



hekk.



kung limitado lang ang kanyang kakayahan [kung saan hindi nga siya lumilipad]



bakit maraming nananalig sa kanya?



simula pa dati'y nauso ang katagang: "Bahala na si Batman" sa mga panahong walang kasiguraduhan.



bakit sa lahat ng superheroes, si batman ang pinaka-popular at mas tinatawag ng tao?



anjan naman ang ibang superheroes.
si superman.
si machinegunman.
si spiderman.
si mask rider black.
si voltes v.
si captain barbel.
si robocop.
si megaman.
si rockman.
si bioman.
si kikoman.



ang dami dami nilang puwede mong maasahan at hingan ng saklolo.



pero.
si batman ang:
pinakasikat.
pinakamayaman sa gadgets.
pinakamabilis -- magmaneho.



pssft.
naalala ko yung kanta ng radioactive sago project.
yung tungkol kay batman.



heeee.
masyado niyang naging idol si batman.


isang araw nang maisipan niyang tumalon mula sa rooftop ng isang napakataas na building, naalala niyang hindi nga pala lumilipad si batman.



at wala siyang ibang nasabi kundi "SHET!"



ahahaha.
^_^ hakker.



8:51 PM -

(xxx)
enough said.

***sindikato [setting: sa isang warehouse na maraming talahib sa likod]

Sunday, March 11, 2007







sindikato [setting: sa isang warehouse na maraming talahib sa likod]



march 11, 2007.



usually pagkatapos magsimba,
kakain kaming buong familia sa labas.



minsan lunch.
minsan dinner.



kanina.
kakaiba ang experience.



lahat kmi undecided where to eat.
err.



gusto ko sana Chef D'Angelo.
pero si ate doon na kasi ata naglunch.



gusto naman ng mom ko Terriyaki Boy.
gusto ni bunso kahit saan na may chicken.
gusto ni pangatlo sa Tokyo Tokyo.



basta si ate gusto daw sa busugan.
habang ang tatay ko,
gusto niya ng marinig kung saan kakain para makapagdrive siya ng maayos.



hakker.
nauwi kami sa SuperBowl of China.


dahil malapit sa sinimbahan namin ang Jupiter Street sa Makati,
sa SuperBowl-Jupiter kami nagpunta.



pumasok kami on our own.
wala man lang sumalubong or nag-open ng door for us.



there.there.


we were seated.
they gave us the menu and a bowl of kropek.



hakker.
multi-colored na kropek.
shining pa with the mantika coating.



pssft.
edi.edi.
pili kami ng pili sa menu.


gusto ko ng siomai.
tsaka ng deep fried cuttlefish with spicy salt and pepper.



lumapit ang server.
"sir, kukunin ko na po ang orders niyo."



[napalingon yung dad ko sabay turo kay ate.]



ate: "isang yang chow fried rice na super size, tapos isang deep fried cuttlefish with spicy salt and pepper, tsaka..."



server: "nako mam.pasensya na po muna kasi wala na pong cuttlefish."



kat: whaaat?! wala na..oh no..teka teka sandali.
ano kapalit non.?!?
shet.
wala akong handang plan B.



ate: "hmm.sige yung steamed shrimp with..."



server: "ay mam, wala na rin po yun."



nagsalita na si mimom [mommy]..


"tara sa Neptune.pack up."



kat:[nalilito] "ha?!? neptune?? ano meron don??!?


aalis na tayo??!"



server: "mam, sir, pasensya na po kayo a..naubos po kasi agad e..."



mom:"ok lang yun.ano ka ba.pasensya na rin at naubos namin yung multi-colored kropek niyo."




natawa yung server.
umalis na lang kami.



Neptune.
Neptune.



may kainan ba don??
haii tae..
dahil nabitin kami sa chinese food sa Superbowl,
sa HapChan kmi kakain.



pssft.


wow.first time sa neptune.




edi.pumasok na kami.



pagpasok, wala kang makikita kundi isang typical na chinese restaurant.
hindi siya yung mga kainan na may ambiance o temang gustong mangyari.


basta kainan lang siya.
may mga mesa't upuan.
flourescent lights.
tapos.



ultimong pinggan at mga tasa plain white lang.



hindi magarbo.
hindi mo aakalaing asa makati ka.




ang pakiramdam ko ng mga panahon na yan ay asa Binondo raw ako.
puro true-blooded na mga intsik din kasi yung kasabay naming kumain.



asa kalagitnaan ako ng aking pagkain ng may nakita akong gulong sa aking peripheral vision.



kainan toh.
may gulong??!
ano yun??!!



susubo na sana ako nang maagaw ng dalawang malalaking gulong ang aking atensyon.



napalingon ako.




tumambad sa aking mukha ang isang hindi kilalang tao.


nakakatakot siya.
mukha siyang kalaban sa mga action movies!
kung sakaling mag-aaudition siya bilang extra, paniguradong makakapasa siya!!!
kulang na lang, leather jacket.
hudlum na hudlum ang dating!

ahaha.



sa pagkakalingon ko'y nagkita ang aming mga mata.
nag-eyeball [E.B.] ika nga.



pero nakanampotek.
sa sobrang takot ko,
nasubo ko bigla ang nabiting kinakain ko.
shet.
parang kidnapper.



magka-hilera kami.


mga dalawang ruler lang ang aming pagitan.
nakaupo ako sa aking upuan.
samantalang siya'y nakaupo sa kanyang wheel chair.



i wonder why.
bakit kaya siya may wheel chair?
may sakit?
naaksidente?


nabaril ng kalaban??



sa pagkakalapit ng aming mga mesa'y hindi ko naiwasang marinig ang kanilang mga pag-uusap.



bigla akong kinabahan.
totoo ba ito???!
usapang sindikato ang aking naririnig.



ang taong akala kong puwedeng maging extra sa isang pelikula'y nagmistulang mastermind sa aking paningin.



natahimik ako.
nakinig ng mas maigi.



"mapapahamak sa Ronnie kung ganon. sa tingin mo ba, pagkatapos ng kasal bigla na lang susulpot yun? pare hindi.kaya yan ang sinasabi ko.dapat matagal nang nilikpit yan.."



OH SHET!
heee.


lalo akong kinabahan.
totoo ba ito?!?


oh dear!!!
hakker.
may katabi akong mamang maaaring matagal nang wanted ng mga kulungan.



hindi na lang ako kumibo.
[takot mode na ko weh]



natapos na kaming kumain.
naiwan pa sila sa loob.
pssft.
ang lahat ng aking narinig ay mananatiling isang malaking sikret.



nakakatakot.
nakakakaba.



sshhh..



[end]



8:57 PM

(xxx)
enough said.

3.11.2007

***ahoy.

err.



*nagtataka mode*



maraming nagsasabing nagiging MAKATA ako lately.
dahil..



sa mga binibitiwan kong salita.
sa mga ibinibigay kong mga payo.
sa mga ideya't haka-hakang inilalagay ko sa mga 'blogs' ko.



hmm.
makata.
ano na nga ba ang ibig sabihin nito?



err.
ewan.
maraming mga kataga ang puwedeng maisahalintulad dito.
pero.
pero.
ang tunay na ibig sabihin nito'y nananatiling nakabaon.



oo.
nakabaon.
in english: buried.



hindi 6 feet under.
hindi naman 'to patay.



siguro mas malalim pa.
malalim na underground na susubuking hukayin ng mga darating na panahon.



anong saysay.
hindi ko alam.



pero.
sa aking muling pag--isip.
may isang tanong ang bumabagabag sa akin.



hmm.
question.
kat: ano??



kaya ba ako tinaguriang MAKATA dahil isa akong babaeng


nakatira sa MAKATI??



ahahahah.
hakker.
watta question.
pssft.
aheheheh



^^,


*i feel numb.i feel weird.i feel like someone's gonna get me when i'm alone*

hala.kantang paranoid.
ahehehhe


^_^


(xxx)
enough said.

3.07.2007

***‘Shootable’ theory -- ^^,


March 7, 2007.
merong nag-present ng grand case sa school.



Topic: A Grand Case Presentation on the Care of an Adolescent Client with Brief Psychotic Disorder with Symptoms of Schizophrenia



hakker.
buong class andon.
pano considered kasi na ‘duty’ day un kaya kapag nag-absent ka, 3-day make up ang kapalit non...with matching bayad of P1K++ per day…
Shet.
Sigi.


kahit mejo may hang-over.
wag lang gumastos.



edi go lang.
ayan.
papasok na sa skul.



err.
masaya.
pano.
pagdating ko don, may nakita akong gitara.
shet.


oo.gitara!
tae.
maligayang maligalig (may gnon ba?) ang naramdaman ko.
mixed emotions.
o.a. pero tlaga.un nga.



hala.
sigi.
tugtog.
ayan na.
hinayaan kong kaskasin ng aking kanang kamay ang mga kwerdas ng gitara.



"your love is like the sun, that lights up my whole world i feel the


warmth inside...."



naks!
nag-concert ampotek!
ahehehe



nakalipas ang bente minuto.
magsisimula na ang presentasyon.


tinawag na ang lahat para pumasok.
meron pang red carpet.
at pagpasok namin,
aba!


meron pang black lights sa loob.
mga bote ng red horse grande.
pakete ng yosi.
2 giant speakers.
at isa pang gitara.

take note: isa pang gitara! as in extra gitara.
bale 2 na ang mga gitara't sapat na un para sa isang jamming session!



shet.
rock concerT?
labo.



oo.
yun ang tema ng kanilang presentation.
rakista pala ang tinutukoy nilang pasyente.



at maraming red horse grande na bote
dahil un daw ang binasag ng pasyente sa tapat ng bahay nila
at iyon din daw ang ipinambato niya sa kanyang nanay nang mayroon daw bumulong sa kanya.
there.
there.



may topakkers nga ang mokong.


psfft.



nagsimula na lahat.
aun.
siyempre.



boring.
not the presentation part.
na-enjoy ko ung movie na prinesent.
super creative.
gandaaaa!



boring ung part na discussion at defense na..
psssft.


at siyempre,
sa pakiramdam kong malapit nkong mamatay,
hindi ko basta lang inaksaya ang oras ko.



sa halip na tumulala't antukin sa pinag-uusapan ng panelists at discussants,
napagpasiyahan kong mag-take down ng notes.


oo.
mag-notes.
kat: huwaaaw.
scholarly act.


pssft.
akala mo lng un.



ang inaakala ng lahat,
masipag akong nakikinig sa kada bitiw ng kanilang mga salita.
nagsusulat at attentive



ang hindi nila alam,
nagnonotes ako tungkol sa mga random na salitang sasabihin nila't


maiisip ko.


ewn.
bsta.
sulat lang ako ng sulat ng kung ano ano.
eto.
para naman malaman niyo:



defy_kalam ng sikmura_roster_hold on_UP_insane_ticket_libre lang


mangarap_wag kang bibitiw bigla_unquestioning hierarchical


automations_managinip ka ng gising_account_trip_intellectual


caution advised_hibla_pihit_indescribable_not necessary_puso sa


puso_regression_paano sasabihin sa iyo_ang pulupot ng


kurdon_lies_heart_bus_wow_punishment_no!_ang charger sa


sahig_kung hindi laan, kailanma'y hindi mapapasayo_patong-patong


na papel_hallucinations_i think there is, yes!!_ reprimand_rock


concert_paano?_peace_nginig_contradiction_weak_psychotic_focus


_tularan ang mali_prinsesa_delete_please love me_mahalin mo


naman ako_kalabit_self-esteem_umiirap na mga mata_frailty_aircon


na malamig_mistrust_is it not?_specifics_safety in


numbers_hide_adik!_ang feedback ng mikropono_kiliti_tulala sa


kawalan_shame and doubt_kiss!_ely


buendia_id_superego_ego_factor_buntong


hininga_distress_squat_ang kaway ng kanyang


bangs_weird_satisfied_ang papel sa loob ng kaha ng bolpen_natulala

sa sapatos na leather na parang balat ng ahas_eksena_autonomy_himulmol_hindi


sinusubukan_bangag_vulnerability_asikaso_worth


it_supreme_ibato_sila readers, kayo


doers_state_STRESS!_disregard_conscience_pambura ng


lapis_skills asa domain ng psychomotor_gitara_after


po_supposedly_manipulation_text_pilas ng


papel_confuse_power_solitary play_tubo ng tubig_lifespan_i


agree_pilas.punit.warak._ang lapad ng itim na tela_negativism


behavior_thumb wrestling_totoo_tungo_ms.de vera, answer_you look


but you do not see_goosebumps_take it away_plus or


negative_kawawa_titig_consistency_listen to what im not telling


you_anxiety_medications_paki-reconcile_please


understand_account_needs_dilemma (day-lemma)_kwelyo_brief


psychotic disorder_surrender_rebound mo lang pala


ako_sumisimple_isang lagok sa bote ng mineral


water_go.fine._clarify_per stage_ang itim na backdrop_aamba_you


are my life.you are my home.you are my


sanctuary_bobo_kuyakoy_woot!_ang kunot ng


noo_crash_hostile_refer_hikab_overview of regular day to day


activities_why?_red horse grande_may itsura_self-expression_cloud


9_what's so special with your patient?_what is a case


study_ssshh!!_kasya_adik!_where's the heart? where's the love?_in


what nature_drive G_constraint_dysfunctional_salumbaba_malamang_hindi


natulog_hatred_halakhak_ shungangers_heart.puso.soul_


sacrifice_ang itim na lobo_kumot_di na natuto_iniwan_keep the ball


rolling_silence_abnormal.



ahaha.
tae.
ang dami pla non.
napagod ako sa pag-type.
with matching hilo p un sa pagsalit-salit ng mata sa monitor at sa...


papel.



sadyang adik.
lahat yan nailista ko.
pssft.


eto pang makulit.
aside sa pagcoconcert ko't pagnonotes ng mga sinsabi nila,
nasaway pko kanina.
oo.
literal na sinaway.


pano..
sa sobrang kainipan, kinanta ko sa aking upuan ang "rebound" ng silent sanctuary..nampotek.
hindi ko namalayang napalakas na pala ang boses ko.
pssft.


aun.
isang malakas na "SSHSHHSSH" ang pumutol sa aking


pagkakakanta.
honga pla.
may grand case.
aheeeeeeeee.



sa sandaling un,
nakawala nnaman ako sa mundong ginagalawan.
hakkker.



at eto.
narito nang muli.
nakabalik mula sa pagkakatakas patungo sa kawalan.



prof: could you please name one 'shootable' [suitable] theory that you used for your concept map?



hakker nampotek.
nagising kmi nyan!
ahahhahha


*togs*


^^,


(xxx)
enough said.

3.06.2007

***030607

march 6, 2007.


7am.
asa school na dapat lahat.



maaga rin ako nakarating non.
kahit nakapag-adventure sa di kalayuan.



ward class namin.
pssft.
wala lang.
magpre-present kami ng isang case kahit hindi ganon kahanda.



kahit ano pa.
natapos din ang araw namin.
7-10 lng kasi yung schedule.
half day.



nagyaya silang kumain.
pizza hut! pizza hut!



pumayag ako.
[hindi pa kasi ako nakakatikim ng stuffed crust pizza]
there.
bininyagan nila ko nung araw na yun.



kwela.kwela.


ang kukulit nung staff sa pizza hut.
pssft.
kmukha p ni james yap ung isa.
ahehhehehe.



pagkatpos non,
nagyaya silang manood ng sine.


kat: yung the number 23!!!



hakker.di pwede.
napanood ko na un.


hala. e alin?


classmate 1: nako.pano un? gusto ko pa naman ung 23..
classmate 2: sige, kayo bahala.
classmate 1: e pano si kat?



kat: err..sige ok lng.ahh.manood kayo.maglilibot nlng ako muna 
tpos kitakits nlng pagkatapos ng movie.txt niyo nlang ako.



matapos ang ilang sandali, napagkasunduan na nilang manood.



at ako.
aun.
naglibot mag-isa.
ayos lng.
nasasanay na.



4:15
nagtxt sila sakin.
kat, tpos na ung movie.san ka?


nagreply ako't pinuntahan sila.
aun.at nagkita na kami ulit.


 


classmate 1: tara! inuman tayo!
kat: *smiles*
classmate 2: shet.di pa ko pwede.hindi pko pinapayagan ng mommy ko e..
classmate 1: e wag kna.kami nlng ni kat.ano tara?
kat: e san tayo tatambay?
classmate 2: don nlng tayo sa condo namin!
classmate 1: ok lng ba don?
classmate 2: oo naman.don tayo sa rooftop.stargazing.
kat: OMG! stargazing??!? tara! tara! let's  go!


 


aun n nga.
bumili kmi ng cruiser black.
shet.


first gulp: sumisingaw na alcohol sa ilong.

1/4 bottle consumed: nararamdaman ang alcohol na gumuguhit sa gastro-intestinal tract.
kalahati ng bote: namumula. flushed face alert.umabot upto tenga.*mejo lipad na ang utak*

100% consumed [bottoms up]: tipsy mode. 
manifestations
increased heart rate (palpitations), 
hot singaw of the body with matching vodka scent, 
walang sawang laugh trip,
stammering speech.


end result: asleep.



oo.nakatulog daw ako right after.
pero.
after an hour, im back to my senses na ulit. 
except the symptom na sobrang sakit ng ulo.


there.there.
nag-usap usap kming tatlo.
considering that we're not that close with each other, sobrang 
sarap nung mga moments na marami kaming nadidiscover 
sa mga past experiences ng bawat isa.



the scenario: 2 girls and one guy having a bonding session on a rooftop overlooking the makati skyline along side with vodka and chips.


 


tears were running down our faces.
wala kaming keme umiyak niyan.
importante, yung presence ng bawat isa.
magkakatabi kami.
pare-parehong may bigat sa damdamin.


kat: err.akala ko ba masaya?


oo nga.masaya.
masaya ung katotohanang nagsha-share kami sa bawat isa.


pero ung laman ng pinag-uusapan, un ang mabigat.



marami akong naikwento.
naintindihan naman nila ako.
alam nila lahat ng mga realizations ko.


pssft.
maraming mahirap tanggapin.
pero gawa ng mga friends na laging anjan tulad nila, malaking tulong na ang tabihan ka sa tuwing nag-iisa.



napansin ko na sa aking pagkaka-upo, nakatitig sakin ang isang kasama ko.


classmate 1: [staring at kat]
kat: hindi mo ko kilala noh?
classmate 1: sobra.sige.sige.ok lang.magkwento k pa.



shet.wala nkong mkwento.


nanatili akong tahimik habang naluluha.
wala nakong masabi e.
tapos na ang istorya ko.


hinayaan ko silang magsalita hanggang sa malihis na sa iba ang atensyon.


matapos ang ilang sandali,
nagdinner din kami.
hala.walng kubyertos na available.


student 2: sige.sige. kaya yan!


bumili sila ng bbq,grilled hotdog, at kanin.



ayun.
walng kubyertos nga.


ginawang McRice ang dating ng kanin.
pinisa't hinugis para madaling kagatin.
tama.
hindi n nga kinailangan ng kubyertos.


pagkatpos kumain ay nagsi-higa na kami't pinagpatuloy ang stargazing.
walang shooting/falling/bulalakaw star nung gabing yun.
ni-isa.wala.


10pm nako nasundo pauwi.
sinundo pa si ate sa RCBC.
nagyaya pa si didad kumain ng belgian ice cream sa mini stop.



11pm nako nakarating ng bahay.
11pm na pero wala pa rin akong naaral.



at 7am kinabukasan, asa grand case na kami.


 



::pare-parehong may hang-over.


 








(xxx)
enough said.

3.05.2007

***kubli

++
kanina ko pa naririnig
ang tawag ng kahapon
sigaw ng luha't hinagpis
na di makayang itapon


sukob ng buhay
ang literal na pag-away
sinusubukan ng panahong
hindi ka mahihintay


sandaling pangarap
unti-unting pumipiglas
sa kapit ng tiwalang
bigla-biglang nawawala


sapat na paniniguro
ang sadyang nagpapamalas
kapalit ng sakit na tiyak nang
walang mahahanap pa na katumbas


ultimong sarili'y
di na naturingang buhay pa
na ang bawat bitiw ng salita'y
pumapatay sa kanya


ang natatanging paghiling
sa posible'y mananalig
sa di kalayuang hangaring
hindi basta basta mapipigil


huwag lang sanang mawaglit
ang lubid ng pag-asang kinukubli
dahil wala nang iba pang papalit
sa tanging asam na minimithi.

(xxx)
enough said.

***trip.trip.trip.

trip.


gusto kong magpakalayo.
tumambay sa lugar na hindi kilala.


magliwaliw mag-isa.



naiisip kong tumambay sa helipad ng isang prominenteng building sa ayala.



puwede kaya yun???
sana.



pwede rin naman kayang,
tumambay ako isang Linggo ng hapon sa ayala.


wala namang tao don e.
tatambay lang sa lobby ng isang building.
tatanga sa kalyeng walang taong naglalakad.



astig.
di kaya may isang taong maghagis sa akin ng barya?
baka akalaing pulubi ako.



heek.
edi mas ayos.


pamasahe rin yun.
salamat.


ahehehehe.
o kaya.
puwede ring manood ako ng sine.
oo.
tatambay lang ako sa loob.
uupo.
hindi sa malambot at natutuping upuan
kundi sa hagdan.
oo.


doon nga.
maganda un.
umiilaw sa dilim
color green! ^_^
tapos tapos.


bibili rin ako ng maraming holy kettle corn!
heee.
ung malaki!
ung pinaka-malaki!!!


peyborit ko un.
tapos tapos
kapag gabi na.


pupunta ko sa greenbelt.
oo.
sa lugar ng mga konyo.
pero.pero.pero.
doon ako tatambay sa paborito kong puno.



mananatili ako don.
magpapalipas ng gabi.
magsstar-gazing mag-isa.



hakk.
pwede ring magdala ng digicam.
oo.
tama.
magcacamwhoring ako don.
pictorial alone.


 


ayos!
heee.


ang saya.
haii.


 


tapos.
uuwi ako.
maglalakad sa ayala.
papara ng aircon na bus.
sasakay.
uupo.
makikinig kay empee.
itotodo ang volume.


bababa sa kanto ng edsa.
maglalakad sa liwanag ng buwan.
liliko sa kanto ng aming kalye.
papasok sa loob ng gate.


papasok sa pinto.


hihiga sa aking kama.
matutulog ng may ngiti sa mukha.


haiiii.
sana magawa ko ang lahat ng ito.
sana magkatotoo ang isang araw na pangarap ko.
sana.sana.sana

ayan o.mag-isa.aheheh.

++solo flight++


(xxx)


 

(xxx)
enough said.

***ang tayog ng bundok

"hala.
sige.
akyat!"


 


::mga salitang binitiwan ng nag-sermong pari kagabi.



sa kalagitnaan ng isang misa,
nabigyan ako ng pag-asa.



"asan ka ngayon?"
ito ang pambungad niyang tanong sa mga taong nakatanga sa kanya.


siyempre.
walang literal na sumagot na nasa loob kami ng simbahan.


tahimik.
walang kumikibo.


ninakaw ng mga salitang ito ang aking atensyon mula sa pagmumuni-muni.
oo.
lumalakbay sa di kalayuan ang aking isip.


 



nasaan nga ba ako?
ano ang aking kinatutungtungan?
saan ako nakalugar?
ano ang aking kinalalagyan?


 


pakiramdam ko'y:


ako'y nakatayo sa isang hindi nalalamang lugar


kung saan sa pagdilat ng aking mga mata'y
may isang
malaki.
mataas.
matarik.
at mabatong bundok
na nakabungad sa aking harapan.



sadyang biglaan.
di man lamang napaghandaan.



"what are you going to do then? are you going to take the easy way out by circling around the mountain? or take the harder option by climbing it way to the top?"



shet.
madaling pinahan ang isang bundok.
pero para akyatin at tahakin ko yun ng mag-isa?
mahirap ata un.


mag-isa akong magtetrekking.
mag-isa akong magrerepelling.
mag-isa kong tatawirin ang batis.



pssft.



"don't let your mountain conquer you.instead.conquer it.climb your way to the top.reach the highest peak.step on to the summit and feel the speed of the wind."


 


wow.
ang tayog.
pero in fairness, may point si father.


bakit ka papa-under sa mga problema mo sa buhay?
kayang kaya mo namang akyatin at lubusang sakupin ito.
hindi magiging madali.
wala namang madali sa mundo.


kaya kung kakayanin.
malakas na fighting spirit bilang sandata,
malaking tulong na iyon.



"but.once you've reached and conquered the top,
after getting your taste of life's sweetest pleasures,
you must learn how to stop...climb down...and move on."



*tgssh*
wow.
saraap.


eksaktong-eksakto


parang in-aim ng isang ekspertong archer ang aking damdamin.
sapul!
bull's eye ampotek!



napatahimik ako sa aking pagkakaupo.
napatunganga't naluha.



ampotek.
[naisip ko]
bakit ganon?
ang galing.
akmang-akma.


 


haii.
sapul na sapul talaga sa aking damdamin ang mga salitang binibitiwan niya.
parang three-point shot ni allen iverson.
parang upper blow ni manny pacquiao.
parang ninth ball ni efren 'bata' reyes.
parang...
parang...
parang...
[hakk.wala na kong maisip.]


shet.is this a sign?!
ahahhaha.
pssft.
commercial lang. ahehehe ^^,


 


 


nako.
isang magandang pag-asa ang naipabaon sa akin ng gabing iyon.
puwede pa akong mag-move on.


sa ngayon.
ako'y bumababa sa isang bundok.
kaunting sandali pa'y malapit na ako sa base.


ilang panahon na lang
ilang panahon pa
tuluyan na kong makaka-move on.



pero.
maaari kong balikan ang bundok na iyon.
muling tahakin.
at maging


NPA kung sakali.



ahahahaha.
*kumakampay na pag-tawa sabay palakpak ng isang beses*
apir!
ahehehhe

(xxx)
enough said.

3.04.2007

***the ten-peso ride home

sa tuwing manggagaling ako sa eskwela.
sa tuwing manggagaling ako sa duty.
sa tuwing manggagaling ako sa ospital.
sa tuwing manggagaling ako sa glorietta.
sa tuwing manggagaling ako sa bahay ng kaibigan,



merong isang katangi-tanging bagay ang aking kinakailangang gawin
upang makarating ako sa aming bahay.



ito ay ang sampung-pisong sakay pauwi.
oo.
sampung-piso lang.


papara ka ng isang bus na patungo kahit saan basta ba daraan ito sa EDSA.



tama.
kahit anong bus na pa-northbound at dadaan sa EDSA, ang aking dapat masakyan.


siyempre, exluded na don ang mga patungo ng probinsya.
hindi naman ako doon nakatira.



isang bus na pa-EDSA
panatag na ang loob ko don.


kadalasan, bago ako umalis sa aking pinanggalingan,
inihahanda ko na ang baryang pambayad para sa sakay na iyon.


konduktor: san toh?
kat: sa _______ po.
(kukunin niya agad ang pinaghirapang bilanging barya, tititigan ng saglit at saka pa lamang


kakaripas sa pagkuha ng ticket tig-dadalawang pisong ticket).



sa taga-kolekta nito.
ibinabayad ko ang mga sukling barya sa aking bulsa.



kadalasan, ginagawa ko itong combo.
minsan, isang ten-peso coin.
minsan, isang five-peso coin tsaka 5 pirasong pisong barya.
minsan pa mas matinding combo ang inihahanda ko..
sampung pisong tig-bebente singko.
pssft.
malakas ako mang-trip.
ultimong barya napagtitripan ko.



madalas makikita mo kong naghihintay makasakay kapit ang mga baryang handang


ipambayad.



sa ayala (kung saan ako laging nag-aabang) o minsan nama'y sa buendia, maraming mga


tao akong nakakasabay.



kasabay kong tumayo at maghintay sa bus na daraan.



may aircon.
may ordinary.



mahilig ako sa aircon.
mainit kasi sa pilipinas.



pero.
masaya mag-ordinary.
sampung pisong sakay mo,
para kang nag-rides sa star city.


minsan nga,
daig pa ang mga jeep sa pagharurot.
parang rollercoaster ride.



sa halagang ten pesos.
san ka pa?



masaya sa loob ng bus.
lalo na pag may kasama kang iba.
pero,
sa solitaryong buhay ko ngayon,
tanging si empee lang ang kasama ko.


[si empee: empee-3 player]



sa aking pagkakaupo,
kinakausap ako ng mga kantang pinakikinggan ko.



louder.louder.
tataasan ko pa ang volume para di ko marinig ang:


+malakas na pagsigaw ng nagtatawag na konduktor.
+malalaswang tsismis at kwentuhan ng madadaldal na pasahero.
+madadramang linya ng mga artista sa tv.
+pagmumura ng mainit na ulo na driver
::at higit sa lahat::
+ang boses ng nakikikanta kong katabi



[nakiki-sound trip na nga, sasabayan pa ng pagkanta]



pssft.



sa loob.
maraming taong nakatanga.
oo.
dahil asa loob rin ako ng bus at sa pagkakaalam kong tao rin ako,
isa ko sa kanilang mga nakatanga.



oo.
madalas akong managinip ng gising sa loob ng bus.



nakadungaw sa bintana.
tulala.



maraming bagay ang tumatakbo sa aking isip sa tuwing ako'y napapatanga.



minsan pa nga, naiiyak ako mag-isa.
sadyang madrama.


wala kong pakialam sa katabi ko.
wala rin naman siyang pakialam sa akin.
[except sa nakiki-sound trip niyang mga tenga]
e ano kung pag-isipan niyang nababaliw na ako.
wala kong keme.
sarili kong buhay toh.



kahit ano pa.
marami akong naiisip sa tuwing may sumasakay at bumababa sa bus.



merong mukhang pagod.
merong mukhang pikon.
merong mukhang wala lang.
at pag naka-tsamba,
merong gwapong bigla na lang tatabi sayo.


mahilig rin akong manood ng mga naglalakad sa labas.
kasabay ko kasi ang uwian ng mga empleyado sa opisina.
kaya marami akong nakaka-sabay na naka-corporate attire.


minsan din, merong mga taga-call center
na talagang makikilala mo gawa sa mistulang "uniform" nilang naka-jacket with matching


nakasabit na ID sa leeg.



hakk.
kadalasan
makikita mo silang nagyoyosi break habang nakikipagkwentuhan sa labas ng mga opisina.
marami ring mga naka-tambay doon.
at minsan, meron pang nagpapakitang gilas sa pagse-skateboard.
magaling naman.
hindi basta basta sumisemplang.



sa sampung pisong sakay ko sa bus.
marami akong natutuklasan tungkol sa takbo ng buhay.


maraming bagay ang maaaring maihambing sa isang biyahe ko pauwi.



minsan naisip ko.
mistulang buhay ng isang tao ang bus.



maraming maaaring mangyaring adventure sa loob nito.
marami rin ang nag-aabang sa pagdating nito.
at sa kada paghinto ng bus sa mga sakayan ay
maraming tao ang nagtutulakan para lang makapasok at makaupo ng maayos.
ang iba nama'y nagtitiis na lamang sa pagtayo para lang makisabay.


pero.
minsan.
sa paghinto nito sa sakayan ay marami rin ang bumababa.
umaalis at iniiwanan ang nasakyang bus.


bakit?
dahil narating na nila ang kanilang destinasyon.
nakaabot na ang bus sa hantungan ng kanilang patutunguan kaya dapat na silang bumaba.
umalis.
lisanin ang bus.


parang mga taong dumarating sa ating buhay.
hindi natin alam kung sino, saan, at kailan sila darating.
at sa isang iglap.
sa panahong hindi natin namamalayan,
pumipwesto na pala ito sa pagbaba.
lumilingon kung asa tamang babaan na nakahinto ang sinasakyang bus.
dahan-dahang tatayo sa kinauupuan.
maglalakad patungo sa pinto't
tuluyang bababa sa estribo
at malayang maglalakad patungo sa kung saan man.




sana.
pumarada na sa estasyon ang sarili kong bus.
manahimik na muna't mamahinga.
hanggang sa maging sapat na ang aking langis upang muling bumiyahe't umarangkada sa


lansangan.



sana.sana.sana.


(xxx)




++sa loob ng sasakyan++

(xxx)
enough said.

3.03.2007

***survey 2

Q and A

++survey muna again++
1.Is :
- is is is ano? ahahhhaha.ano ba.

2. Got any plans:
- matulog.

3. Dislikes about tomorrow :
-it's a sunday.ergo, family day.have nothing to dislike.


[F A V O R I T E]
1. Number:
- 9

2. Color(s):
- black and white

3. Season:
- tagulan


[C U R R E N T L Y]
1. Missing someone:
- yeah.

2. Mood:
- tired.

3. Hungry:
- just had dinner.


[Q U E S T I O N S]
Q: First thing you did this morning?
A: bumalik sa aking malay..

Q: Last thing you ate:
A: chicken adobo and rice

Q: Do you have anything bothering you?:
A: heee.yep.

Q: What's annoying you right now?:
A: wala naman.siguro ung inaantok kong mga mata.yoko p matulog.

Q: What's the last movie you saw?:
A: the number 23.

Q: Do you believe in long distance relationships?:
A: pssft.

Q: Is there a person who is on yourmind right now:
A: oo e.

Q: Where is the last place you went?
A: dining table.

Q: Do you look like your mom or dad?:
A: madalas tatay.minsan nanay.

Q: Do you have any siblings?:
A: 1 older sis and 2 younger bros.

Q Do you smile often?:
A: oo daw.oo.bungisngis lady ako weh.

Q: Do you think that a person isthinking of you?
A: dko iniisip..pinapangarap ko lng..

Q: Choose to have (love, beauty,creativity):
A: love.kaya kong maging biyutipul at kre-eytib kapag may lab.hakker.

Q: Are you a friendly person?:
A: i believe so..

Q: What shirt are you wearing?
A: old school fair shirt.

Q: What were you doing at 9 lastnight?:
A: doing my case study.

Q: Do you have more guy friends or girlfriends?
A: girl friends.

Q: When was the last time you cried?
A: o darn.knina sa skul while talking about *pssft*..haik.

Q: Do you get angry easily?
A: sna hindi.ahehhe

Q: Take any vitamins?
A: naubos na e.kaya eto.sinisipon.

Q: What are you about to do now?
A: mag-type at sagutin toh.

Q: What song are you listening toright now?
A: andar ng kotse sa PS na nilalaro ng kapatid ko.

Q: Do you ever check your phonewaiting for someone to call?
A: not to call.kahit text lng.even kahit missed call.hakker.

Q: Rate life as of right now 1-10.
A: steady.ano bang equivalent non?? 6? ahehheh



(xxx)
enough said.

***survey

1. How tall are you barefoot?~ 5'2"
2. Have you ever smoked?~ tried to puff it once..and it never happened again..
3. Do you own a gun?~ nope.
4. Do you hate someone right now?~ nope.im at peace.
5. Do you get nervous before "meetingthe parents"?~ never met a parent of anybody regarding related to "that" matter..
6. What do you think of hot dogs?~ pantawid gutom.
7. What's your favorite Christmas song?~ ung may.."whenever i see girls and boys selling lanterns on the street..."
8. What do you prefer to drink in themorning?~ water.malamig.
9. Can you do push ups?~ yeah.pero konti lng.
10. Is your bathroom clean?~ yep.my mom keeps it so..
11. What's your favorite piece ofjewelry?~ my black beaded necklace
12. Do you like painkillers?~ masarap.malamig.
13. What is your secret weapon to lurein the opposite sex?~ i have no idea.ahehhe
14. Do you own a knife?~ nope.
15. Do you have H.I.V?~ nope.
16. Bet sa Pinoy Big Brother Season 2?~ heeee.di ata mgiging fair.di p pinapakita lahat e..
17. Name 3 things u wanna do at thisexact moment?~ i-hug.laruin ang buhok.at sapakin sa mukha (ng palambing) yung isang tao.
18. Name the last 3 things you havebought lately:~ shoelace.rugby star.cellphone holder.
19. Name 3 drinks you regularly drink:~ water~ rootbeer~ juice
20. What time did you wake up today?~ 7:30am
22. Current worry?~ case study and thesis paper
23. Current hate?~ wala.steady lng.
24. Favorite place to be?~ kung saan may nightsky at mga halaman.
25. Least favorite place to be?~ sa lugar ng mga konyo.
26. Where would you like to go?~ sa greenbelt at humiga sa damo't magstar gazing -- ALONE.
27. Do you own slippers?~ wow.watta question.record breaking ba if i do? ahehehhe.joke.
28. What shirt are you wearing?~ white CSR fair shirt '03..wow.four years old na pala toh! aehehe 29. Do you burn or tan?~ i burn cds.ahhaha.corny.shet.
30. Favorite color?~ itim
31. Would you like to be a pirate?~ ayos lng.pero ako ung naliligong pirate.ahehehe
32. Last time you had an alcoholicdrink?~ last new year.red wine with the whole family.
33. What songs do you sing in theshower?~ when the moon shines from the heavens above..
34. What did you fear was going to getyou at night as a child?~ some relatives who passed away..
35. What's in your pocket/s right now?~ none.
36. Last person that made you roll inlaughter?~ yoko i-mention.o well.those were the days..
37. Best bed sheets you had as a child?~ err.ewn.
38. Worst injury you've ever had?~ err..siguro ung nadapa ako then kumayod ung binti ko sa may kanto ng isang podium.saraaap! kita ang dermis man! bigatin! ahhehhehe
40. How many TVs do you have in yourhouse?~ 1
41. Who is your loudest friend?~ ROXY! saksakan ng ingay kahit sawayin!
42. Who is your most silent friend?~ nilani.
43. Have a crush?~ as of now..hmm..
44. Do you wish on shooting stars?~ OO! shet.na-excite naman ako.ahehehhe
45. What is your favorite book?~ da vinci code p rin e.tsk.
46. What is your favorite candy?~ tictac extra strong mint.or lollipop.
47. What song do/did you want playedat your wedding?~ something i composed.naks!
49. What were you doing 12 AM lastnight?~ doing my case study.
50. What was the First thing you didtoday?~ bumalik sa aking malay..





(xxx)
enough said.

***benteng tanong [survey]

1. Ano pinakahuling bagay na ngpa-
hayblad syo ngayong araw na to?
*wala.as in today.walaaaaaaaaa!!! bago un a! ahehehhe


2. Ano naman ang unang ngpangiti syo?
*hmmmm..ah! ung naglalakad ako sa underpass sa ayala.habang im walking with matching poise pa, sa kaartehan ko, natapilok ako at napasigaw ng "ay shet!" ahhaha. tumatawang naglalakad mag isa.ahehehheh


3. Meron bang umaway syo?
*heeee..wala naman.sakto lng.


4. Meron ka bang inaway today?
*wala.ininterrogate meron.ahahha.pero ok naman.nanapak ng kaklase, counted b un? aehehheh


5. Last na nag-kiss syo?
*si janzen.


6. Kung may isang bagay na tlagang
ikakapatay mo sa isang tao, hayop o
anuman iyon, ano iyon?
*hindi ko kayang pumatay at umagaw ng buhay ng iba..


7. Meron ka bang pinuntahan ngayon?
*sa skul.


8. Anong bagay na nilu-look forward mo
araw-araw?
* maging masaya't makabuluhan ang aking day!


9. Anong bagay ang wish mo na sana
hindi mangyari ngayong araw na to?
*hindi lang for today..sana hindi mangyaring balewalain ako ng ibang tao..


10. Anong bagay ang wish mo naman na
sana ginawa mo?
*sana naghintay na lang ako ng taimtim.


11. Anong pinaka-shocking na bagay ang
natuklasan mo ngayon?
*na..shet.wala akong maisip.



12. Anong pinakamalungkot na bagay ang
nangyari ngayon?
*umuwi akong mag-isa with matching ulan pa sa labas ng window..


13. Is there something you look
forward to tomorrow?
*family day..namimis ko na sila!


14. Is there something you regret
about yesterday?
*hmmm.yesterday...ah yeah! i cried.kasi...nakita ko pic namin.amp.


15. Meron ka bang gustong yakapin
ngayon?
*meron..


16. Anong sked mo bukas?
*lumabas with family.


17. Meron ka bang taong kakausapin
bukas?
*depende kung gusto niya kong kausapin..


18. Is there a song playing in your
head right now?
*when the moon shines from the heavens above..


19. What's the highlight of your day?
*today, umuwi akong mag-isa..habang pumapatak ang ulan na dumadampi't nahuhulog sa aking bumbunan..


20. Parting words for the day?
*steady.

(xxx)
enough said.

***ABCS [survey]

A is for age:]
-- 20


[B is for beer of choice?]
-- yoko ng beer.


[C is for career:]
-- full time student <- as of now <- same.


[D is for your dog's name:]
-- don't have a dog e.


[E is for essential item you use
everyday:]
-- clothes.


[F is for favorite song at the moment:]
-- rebound--silent sanctuary.


[G is for favorite games:]
-- Zuma? ahehee.


[H is for hometown:]
--makat-ey ci-tey!


[I is for instruments you play:]
-- guitar.keyboards.drums.bass.


[J is for favorite fruit juice?:]
-- orange.or lemon.


[K is for kids?:]
-- don't have one.


[L is for last hug?:]
-- OMG!!..err.janzen.


[M is for marriage:]
-- single pa ku weh.


[N is for name of your crush:]
-- J.....


[O is for overnight hospital stays:]
-- hmm.last july.had gastroenteritis. microorganisms lurvesss my tummy! aehheheh
[P is for phobias:]
-- closed spaces.


[Q is for quote:]
-- ayos lang.agos lng.


[R is for biggest regret:]
-- none as of now..sana nga.


[S is for status:]
-- single


[T is for time you wake up:]
-- 730am.


[U is for underwear:]
-- undies.hakker.


[V is for vegetable you love:]
-- repolyo and carrots! heeeeeee.carrots carrots! peyborit.


[W is for worst habit:]
-- maging emo..(//_T)


[X is for the name of ur eX
boy/girlfriend /crush:]
-- heeeee.


[Y is for yummy food you make:]
-- dont cook pero im trying to work on it.


[Z is for zodiac sign:]
-- gemini.


(xxx)
enough said.