++
kanina ko pa naririnig
ang tawag ng kahapon
sigaw ng luha't hinagpis
na di makayang itapon
sukob ng buhay
ang literal na pag-away
sinusubukan ng panahong
hindi ka mahihintay
sandaling pangarap
unti-unting pumipiglas
sa kapit ng tiwalang
bigla-biglang nawawala
sapat na paniniguro
ang sadyang nagpapamalas
kapalit ng sakit na tiyak nang
walang mahahanap pa na katumbas
ultimong sarili'y
di na naturingang buhay pa
na ang bawat bitiw ng salita'y
pumapatay sa kanya
ang natatanging paghiling
sa posible'y mananalig
sa di kalayuang hangaring
hindi basta basta mapipigil
huwag lang sanang mawaglit
ang lubid ng pag-asang kinukubli
dahil wala nang iba pang papalit
sa tanging asam na minimithi.
(xxx)
enough said.
No comments:
Post a Comment