3.05.2007

***ang tayog ng bundok

"hala.
sige.
akyat!"


 


::mga salitang binitiwan ng nag-sermong pari kagabi.



sa kalagitnaan ng isang misa,
nabigyan ako ng pag-asa.



"asan ka ngayon?"
ito ang pambungad niyang tanong sa mga taong nakatanga sa kanya.


siyempre.
walang literal na sumagot na nasa loob kami ng simbahan.


tahimik.
walang kumikibo.


ninakaw ng mga salitang ito ang aking atensyon mula sa pagmumuni-muni.
oo.
lumalakbay sa di kalayuan ang aking isip.


 



nasaan nga ba ako?
ano ang aking kinatutungtungan?
saan ako nakalugar?
ano ang aking kinalalagyan?


 


pakiramdam ko'y:


ako'y nakatayo sa isang hindi nalalamang lugar


kung saan sa pagdilat ng aking mga mata'y
may isang
malaki.
mataas.
matarik.
at mabatong bundok
na nakabungad sa aking harapan.



sadyang biglaan.
di man lamang napaghandaan.



"what are you going to do then? are you going to take the easy way out by circling around the mountain? or take the harder option by climbing it way to the top?"



shet.
madaling pinahan ang isang bundok.
pero para akyatin at tahakin ko yun ng mag-isa?
mahirap ata un.


mag-isa akong magtetrekking.
mag-isa akong magrerepelling.
mag-isa kong tatawirin ang batis.



pssft.



"don't let your mountain conquer you.instead.conquer it.climb your way to the top.reach the highest peak.step on to the summit and feel the speed of the wind."


 


wow.
ang tayog.
pero in fairness, may point si father.


bakit ka papa-under sa mga problema mo sa buhay?
kayang kaya mo namang akyatin at lubusang sakupin ito.
hindi magiging madali.
wala namang madali sa mundo.


kaya kung kakayanin.
malakas na fighting spirit bilang sandata,
malaking tulong na iyon.



"but.once you've reached and conquered the top,
after getting your taste of life's sweetest pleasures,
you must learn how to stop...climb down...and move on."



*tgssh*
wow.
saraap.


eksaktong-eksakto


parang in-aim ng isang ekspertong archer ang aking damdamin.
sapul!
bull's eye ampotek!



napatahimik ako sa aking pagkakaupo.
napatunganga't naluha.



ampotek.
[naisip ko]
bakit ganon?
ang galing.
akmang-akma.


 


haii.
sapul na sapul talaga sa aking damdamin ang mga salitang binibitiwan niya.
parang three-point shot ni allen iverson.
parang upper blow ni manny pacquiao.
parang ninth ball ni efren 'bata' reyes.
parang...
parang...
parang...
[hakk.wala na kong maisip.]


shet.is this a sign?!
ahahhaha.
pssft.
commercial lang. ahehehe ^^,


 


 


nako.
isang magandang pag-asa ang naipabaon sa akin ng gabing iyon.
puwede pa akong mag-move on.


sa ngayon.
ako'y bumababa sa isang bundok.
kaunting sandali pa'y malapit na ako sa base.


ilang panahon na lang
ilang panahon pa
tuluyan na kong makaka-move on.



pero.
maaari kong balikan ang bundok na iyon.
muling tahakin.
at maging


NPA kung sakali.



ahahahaha.
*kumakampay na pag-tawa sabay palakpak ng isang beses*
apir!
ahehehhe

(xxx)
enough said.

No comments: