4.20.2007

***I NEED UR OPINION ON THIS..[please]

April 20, 2007
5:35pm



kausap ko ang isang online buddy sa YM
nagcomment siya:


"alam mo bakit entertaining basahin yun literature mo kasi non-sense yun genre niya e...'non-sense literacy'..."



uhh..dko lam ang irereact ko sa sinabi ng taong yan agad.
pero dahil sa YM kmi nag-uusap,
kinakailangan kong mag-react asap.



"a tlga?"


yan ang tanging naisagot ko.
sabay habol ng:


"thanks for categorizing it a! wakoko."



wala lang.
hindi ko alam kung compliment ba yan or hindi.
pero sadyang nagulat lang talaga ako nung nabasa ko ung comment niya na un.


pero still.
siguro.
tatanggapin ko na lang un bilang compliment.


wakoko.
sabi naman niya "entertaining" daw e.
heeeeee.



cool cool.


kayo?
may comment ba kayo sa mga blog entries ko?



please.


tell me naman o.
kailangan ko lang ipanatag ang loob ko.
magandang pakiusap [pretty please]
wakoko.ang corny.


>_<
pssft.



tenchu.tenchu.


it'll be greatly appreciated.


sobra.




thanks ulit.



*bow*

(xxx)
enough said.

4.19.2007

***wala naman series part 3 [wakoko]

wala naman.


uhhmm.
mejo nasabihan ako ng isang kaibigan ng katagang "wakoko"


ahoy!
at simula non.
ayan.



naaliw ako ng todo.
wakoko.
wakoko.



kahit ako, ginagamit ko na rin un bilang isa sa mga "reaction blurts" ko.


di nagtagal,
naging adik ako sa 6-letter word na un.
wakoko.
wakoko.



sa sobrang kaadikan,
nahuli ako ng aking kapatid na kumakanta with matching palakpak at konting pagsayaw
sa isang tabi, habang nakatunganga sa isang kanto ng aming pader.



"wakoko-nut nut is a giant nut
when you eat too much you'll get very fat.
now, wakoko-nut nut is a big, big nut
But its delicious nut is not a nut


It's wakoko fruit (it's wakoko fruit)
Of wakoko tree (of wakoko tree)
From wakoko palm family!!!"




hakk.
wala naman.
lakas trip lang talaga.
ahehhee




(xxx)
enough said.

4.13.2007

***wala naman series part 2 [strawberry cupcake]

sa pagkakabitin ng aming bakasyon,
required ang lahat ng incoming 4th year na mag-attend sa isang general orientation para sa summer duties dahil sabi:


no orientation = no duty.



hmm..
ok naman.
mejo may mga malalabong points sa buong orientation
pero naayos din at napag-usapan naman sa huli.



ok nga dahil
mas naging masistema pa sila ngayon para sa aming completion kumpara noon.
[though medyo magastos]



dahil siguro sa excitement na naidulot gawa ng hindi nagkita ang lahat sa loob ng halos tatlong linggo, maingay ang buong klase.



nagke-kwentuhan.
may mga sari-sariling chikahan.


nang dahil sa walang tigil na ingay at daldalan,
tumayo't nagsalita ang coordinator.
manahimik daw ang lahat at merong nagsasalita sa harap.
[kumbaga, respeto na lang sa taong nasa harapan]


maya-maya,
nung turn na nung coordinator na siya mismo yung magsasalita,
naging attentive ang buong klase.
nakikinig sa bawat bitaw ng kanyang salita.
sinusulat ang mga notes at reminders na kailangang tandaan,


nang mula sa kawalan, bigla siyang humirit.
"Sino ba 'yang kumakanta ng STRAWBERRY CUPCAKE na yan?!"
sabay tingin sa mga taong nakaupo sa harap.



nagtawanan ang mga estudyante
habang ang iba'y nagpipigil sa paghalakhak.



e papano,
mga Clinical Instructors pala ang nakapuwesto sa may harapan.



hakker.
yung katangi-tanging lalaking clinical instructor pala
ang nasabing kumakanta ng STRAWBERRY CUPCAKE!!



wakoko.
ankulit.



saktong ice breaker ampotek!



(xxx)
enough said.

***ManYaKiS!!!! [bad trip]

manyak kang lecheng fx driver ka!!!



hakanampotek.
pano naman kasi.
3pm na nang magising ako mula sa aking siesta mode..
hindi ko narinig ang aking selepown na nagtext na pala si ate na kailangan ko na raw magpunta sa makati med para sa kanyang operasyon.
todo madali pa ako non.baka hindi ko na siya maabutan pagdating ko don.


nakaalis ako sa bahay ng mga 4pm.
nagbihis pa kasi ang lola mo.


nag-abang ako ng fx.
[kapag galing kasi sa amin, isang sakay lang ng FX na Landmark
ang sasakyan pagpupunta sa Makati Med]



e dahil nga alas-kwatro na nang hapon,
wala nakong masakyan.
wala akong choice kundi sumakay ng FX na Ayala.
[hindi kasi nauubusan ng biyahe yung mga FX na Ayala]



edi sige go.


ayan.
may dumating.
sakto!
walang sakay.



sa harapan ako pumwesto.
na-excite pa nga ako dahil
maliban sa yoon ang favorite spot ko sa buong FX,
wala akong katabi!!!
masosolo ko ang buong harapan ng fx.



wala nang ibang sumakay.
bumyahe ang nasabing FX.


hindi pa nakakalayo,
may napansin akong kakaiba sa kilos ng katabi kong driver.
hakker ampotek!!!


nagkukuyakoy ang lolo mo!
kinabahan ako.


asar.
sa sobrang kaba,
nagdasal ako.
at dahil kasama ko rin noon si empee,
nilagay ko sa full blast ang aking earphones.



oh dear.
ano ba.
"wala akong nakikita.wala akong nakikita.
hindi ako matatakot.
kaya mo yan,kat. kaya mo yan, go!"



para kong tanga.
sa kamalas-malasan nga naman,
[ewan ko ba kung dahil nataon na Friday the 13th nung araw na yon]
traffic pa ang parteng EDSA-Buendia!!
imagine the duration of s****l harassment na nakukuha ko sa langyang driver na yon!!!



"kaya ko pa.kaya ko pa.wag lang akong lilingon talaga."
dinedma ko ang driver hanggang sa makarating kami ng kanto ng EDSA-Ayala.


pero shet.
etong matindi.
nang matapos ang isang kantang pinakikinggan ko,
at habang naka-cue ang susunod na kanta,
lintek talaga ang aking narinig!


hakanampotek.
meron nang kakaibang paghinga ang ginagawa ng driver.
in English, nag-pa-pant na yung katabi kong driver habang patuloy sa kanyang mas matinding pagkukuyakoy.


hindi ko kinaya.
titiisin ko pa sana hanggang sa makarating ako sa susunod na sakayan.


bumaba ako.
sabay balabag ng pinto.


kundi ba naman sa kamanyakan ng lecheng driver na yun,



1. hindi sana ako bababa ng alanganin.



2. hindi sana ako maglalakad nang malayo simula sa kanto ng EDSA-Ayala hanggang sa underpass patungong Rustan's..maglalakad simula Glorietta at tatawid papuntang Landmark para lang makasakay ng FX papuntang Makati Med.



3. at lalong, sana, naabutan ko pa yung ate ko bago man lang siya pumasok sa Operating Room.



5pm nako nakarating sa ospital.
5:30pm naka-schedule ang procedure.


wala kong naabutan kundi ang mga bakanteng upuang nag-aabang para saking paghihintay.


X_x


hindi ko man lang na-good luck-an yung ate ko.
hakker ka talaga
bad trip kang driver kaaaa!!!



pssft.
enough said.
(xxx)

***wala naman series part 1 [the sinulid incident]

tumambay ako sa banyo kanina.


wala naman.
tamang tambay lang.
sinama ko si empee [empee-tri player] para merong pang-aliw.



ayun.
umupo na ko sa maluwalhating trono ng aming palikuran.
napatingin ako sa mga pa-diagonal na tiles sa lapag.


nang napansin kong may isang kapiranggot na sinulid na itim,
ako'y kinabahan.
siguro mga 1.5cm lang ang haba non.
sinubukan kong titigan.



hakker.
sa aking pagkakagulat, tila gumalaw ito.
[e meron akong phobia sa mga uod]
tinignan ko ito ng mas mabuti.
hakker.


still lang pala ang mosyon nito.
mistulang isang walang buhay na sinulid na itim na totoo.
dahil sa aking asar at pagkakapikon sa kabang naidulot nuon,
nasabi ko,
"loko 'tong sinulid na toh a! lakas mang-gago!!"



tamang patol?
hakk




(xxx)
enough said.

4.11.2007

***Manila Bulletin: May 23, 1986

[**paalala.matagal nang overdue ang blog entry na ito.err.sa sobrang haba, excerpts na lang muna ang ipopost ko.aun.]


March 13, 2007.




malapit na kami sa National Library.
sinundan namin yung dalawang babaeng mukhang ka-edad din namin na may dala-dalang I.D.



"ayan! ayan! baka sa National Lib din sila!"
aun.
tama nga!
don nga.


edi.
pumasok na kami sa loob.
nag-apply para sa library card.
at nag-elevator papunta sa pinakataas na level.



asa loob ng elevator.
tahimik.
walang umiimik.
nang biglang..



BUMUKAS ang pinto ng elevator!!!!
tae.
nakakamatay.
[siguro.kung meron lang akong sakit sa puso, inatake na ako don]
[huwaaw! o.a.! ahahhaha]



aun.
err.
sige.
shortcut nlng.



eto.
eto.
masaya!
kasi.
don kmi pumunta sa section ng mga diyaryo.


at dahil pasaway ako,
tumakas ako.
oo.
tumakas ako doon sa library.



nagpunta ako sa likod na bahagi ng library.
yeye.


at bket?
e kasi.
hinahanap ko yung diyaryo nung birthday ko.
hindi yung birthday ko kailan lang,
as in yung diyaryo nung
May 23, 1986.



oh yeah!!!
at sa aking paghahanap,
nakita ko rin!!!



Manila Bulletin.
May 23, 1986.





kung saan saan pa kong tuktok tumingkayad
akalain mong asa harapan ko lang pala ang diyaryo't
puwede na kong tuklawin?!?



there.
there.
binuklat ko.
hindi ko naiwasang hindi malanghap yung alikabok.


grabe.
20 years old na yung diyaryong yun!!!
huwaaw.
sobra tlga.
sa aking pagbubuklat, eto ang mga napansin kong mga highlights nung araw ng aking kapanganakan:


[sa aking pagmamadaling tumakas, hindi ko naisipang magdala ng papel para makopya ang ilang detalye noon.
tanging ballpen lang ang nabitbit ko.kaya naman, ginamit ko ang aking balat bilang papel. oo. sinulatan ko ang aking kanang binti.
e walang papel eh.]










sa SPORTS.
ang mga basketball teams lang noon ay Tanduay, Alaska, Great Taste, Ginebra, at Pilipinas Shell.
nagkaroon the day before ng laban ang Tanduay at Alaska.
at ang nanalo: Tanduay.



sa MOVIES
showing ng araw na iyon ang "Warbus Family Tree"
na binibidahan ng tambalang Nida Blanca at Luis Gonzales, Francis M, at Kachupoy.


showing din yung "Isang kumot, Tatlong unan"
starring sina Jun Aristorenas at Paquito Diaz.


Palabas rin noon ang pelikulang
"Palimos ng Pag-ibig"
na binibidahan nina Edu Manzano at Vilma Santos.


[sabi ng nanay ko, dahil daw sa pelikula na iyan nagkatuluyan ang dalawa]




sa BUSINESS
ang dollar-peso exchange rate noon ay
$1 = P20.50 lang!
ang isang 6 cubic feet refrigerator = P725.00
ang isang Carrier air-conditioning unit = P2,210.00
ang isang Sony TV = P930.00


[ang mura noon kumpara ngayon.sobra.]


akalain mo ring model ng BIC ballpen si Richard Gomez non
na may tagline pang "Madulas Isulat"


For sale din noon ang Big Ben Electric Fan
na may tagline na:
"Big Ben Electric Fan: Ang mas murang alternative to heat and sweat."
[o diba! mabenta! convincing! ahehehhee]


tapos.
meron pa kong isang nakitang tagline:
"TURBO: is the latest aumotive status symbol"
asa tabi nito ang litrato ng kotseng TOYOTA.




sa EDITORIAL naman.
si Ben Rodriguez ang Editor-in-Chief noon ng Manila Bulletin.
at ang editorial noon ay may pamagat na
"Unexplained Wealth Probe"



haii.
ang astig noh!.
wala lng.


akalain mong napagbigyan ako ng pagkakataong mabasa at mabuklat ang diyaryong yan.
haii.
galing galing!
ahehhehe.



ayun.
tapos.
after ilang oras.
natapos n rin kami sa aming research.
un lang! ahhahaha.




***star gazing

[Setting: sa isang pag-uusap ni kat at ni *secret* sa telepono isang gabi nitong huling linggo.matagal nang hindi nakapag-usap ang dalawa kaya naman mahalaga sa kanila ang nasabing pag-uusap nung gabing 'yon sa kadahilanang asa malayong lugar si *secret* pero sa Pilipinas pa rin naman banda.]



*secret*:
"oist.kamusta?"


kat:
"eto ayos lang.kaw jan?"


*secret*:
"wala naman.basta.ayun.ayun.hmm.asan ka?"


kat:
"ako? uhh..dito. nakaupo sa monoblock.sa likod na nakaparadang sasakyan habang nag-sastar gazing. ikaw? nilalapa na nga ko ng mga insekto dito e."



*secret*:
"haha..talaga? naglalakad ako sa kalye e.hmm.papunta sa tindahan.ayon."



*tahimik*



kat:
"err..ang ganda ng stars o! kitang kita lahat.matagal na kong hindi nakakapagstar gazing e.ang hirap naman kasi sa makati.puro building matatanaw mo don."


*secret*:
"hehe.masaya kaya magstar gazing..hmm..nakatingin rin ako sa langit ngayon e.."



kat:
"hakk.tlga? err..sige nga.kung talagang nakatingin ka, alam mo ung tatlong stars na magkakasunod?



*secret*:
"tatlong magkakasunod..hmmm..Oo.nakikita ko."



kat:
"sa anong side mo siya nakikita? sa left o right?"



*secret*:
"sa right."



kat:
"hakk.tlga?!?! shet. amazing!!! ahahhahha"


[nag-iba ang aking naramdaman.saya't galak na magkahalo.na-excite at parang nakuryenteng ewan.basta.malabo.]



*secret*:
"hehehhe..oo..sabi sayo.nasa ilalim ng iisang langit lang tayo e.."



[hindi ko napigilan ang emosyong nadarama ko. sa di inaasahang pagkakataon, naiyak akong talaga.]



[tumahimik ako]



*secret*:
"hello? hello? anjan ka pa ba? hello? kat? hello?"




[natagalan ang aking pagsagot.natulala ako sa hangin.]




kat:
"hmm..oo.andito pa 'ko."
*sniff* *sniff*



*secret*:
"bket bigla kang tumahimik?"



kat:
"ha? eh..wala naman.err..naiiyak kasi ako."


*sniff*



*secret*:
"naiiyak ka? bakit? anong problema?"



kat:
"wala.wala.masaya lang akong ewan.hakk.basta.wala toh"



*secret*:
"ano ka ba kat.wag ka nang umiyak.tignan mo o.hindi rin tayo ganong magkalayo.iisang langit lang ang tinitignan natin nang sabay ngayon."



kat:
"onga e.wala lang.natuwa lang ako siguro."



*secret*:
"hmmm.wala lng."



kat:
"sana may makita kong shooting star.isa lang talaga.promise.kahit isa lang.habang kausap kita."



*secret*:
"hmm..sana nga."




(xxx)
enough said.

4.06.2007

***translated

"this is my life...eto ang buhay ko..."


isang linyang binitiwan ng isa sa mga namumunong karakter sa isang tagalog movie na napanood ko kanina lang.



eto pang isa, habang galit na galit ang isang aktor sa katambal nitong aktres,


"can't you understand?? di mo ba 'ko maintindihan??"



err..ano ba.
oo.
hindi kita maintindihan!!!
[tama bang pumatol sa napapanood sa tv?! ^_^]


bakit gnon?
trinanslate lang.
from English, isinalin sa Tagalog.



iisa lang ang ibig sabihin non diba?
it only means one thing, right?


o diba.
ke-sagwa!
paulit-ulit.



ano yun?
bakit may mga ganong linya?



para ba yun sa ika-kikinabang ng mga Pilipinong hindi gaanong nakaiintindi ng wikang Inggles kaya kailangan pa nila itong isalin sa wikang Tagalog?
[in short, parang FYI o additional info sa mga mejo hirap mag-english]


e hindi ba nila alam na dagdag din un sa dami ng mga linyang kailangang imemorya ng nasabing aktor?



e wala lang.hindi ko naman sinasabing masama yung magsama ng mga ganong lines. actually, parang dagdag kaalaman pa nga yun para sa iba.




*kamot ulo*


ewan.


*sabay shrug ng shoulders*




uhh..e..para rin ba yun sa mga mayayama't maharlikang Pilipinong daig pa ang mga dayuhan kung makipag-usap ay gahaman sa pag-gamit ng mga salitang English??
[kung baga parang talasalitaan ang dating ng mga ganong klaseng linya sa pelikula]


e teka.
mukha ba naman silang manonood ng Tagalog movie kung saan umpisa pa lamang ay hirap na hirap na sila sa kaiintindi dito?



ang labo diba?


wala naman.
wala lang akong makitang punto kung bakit nila kailangang isama ang mga ganong dialogue sa script.



*nagtataka mode*




hakk.



(xxx)
enough said.

4.05.2007

***wala

walang title?
ano bang blog entry toh??
wala naman.


gusto lng maglagay ng something random dito.


hekk.



aun.


err.


wala akong maisip.


masakit p rin ung opera ko.


aun o! *sabay turo sa pisngi*


namamaga p rin e.


>_< pssft.


tabingi talaga.


mala-beke ang dating.


aahhaha.


aun lng.



hmmm.


ilang araw na lang.


pasukan na.


magduduty na ko ulit.


ergo, papayat na ko ulit! yeye! hakk.



*namimiss ko na ung chocolate cake sa ospital ng makati med. ahahaha*


hai.


friends.countrymen.wala lng.


happy lenten season sa inyong lahat.


dakila ang Diyos. yeye!




^_^

enough said.

(xxx)

***i gupit my hair

hak.


ahoy mga kababayan.
today.
i cut my hair.
wala lng.


wala akong mgawa e.
hakk.



pero ayon.
masaya naman.


inumpisahan ko sa bangs.
yun naman kasi talaga yung original na plano.
babawasan ko lang yung bangs.


mahaba na kasi't lampas mata ko na.


ayun nga.
tapos.


binawasan ko ung gilid para mejo maganda.
pero aun
di nagpaawat ang kamay ko.
hakk.


instant new look nanaman.
pati likod at gilid,
ginupit ko na rin.



kasi.
matagal ko nang gustong magpagupit nang maiksi.
e wala lang.
para iba.



yung iba kong friends,
in favor sa short hair.
yung iba,
hindi.


kaya aun.
ang ginawa ko na lang para walang away,
ginupit ko ung buhok ko ng maiksi.
pero mahaba sa likod.
hakk.


oo.
magulo.
ahaha.
e basta.
yun na un.
waaaaah.


masaya ko.
e kasi.
gumaan ang ulo ko.



^_^
pssft.
enough said.
(xxx)

4.04.2007

***presence

 


**[my close friend and i call each other "presence" ever since we had that bonding session at their condo's roof top wherein we talked over things and agreed that girls need guys' assurance and their 'presence' were more than enough to make them (the girls) feel secured]


 


setting: inside the classroom during a grand case presentation



[LEGEND: CF - close friend; k- kat, s- seatmate]



CF: kat..
[k looks back at CF]
[CF extends left hand near k and k holds it right after]


k: heee..presence..*smiles*
s: ano ba yan?!?


[s removed k's hand from CF's]


CF: kat...dito k lang malapit sa'kin..


[k blankly looked at CF while the latter still extending her left hand]


k [said to s]: uyy..hawakan mo daw..


[s, without knowing what to do, held CF's hand and CF gripped on hers tighter]


s (a bit shocked and trying to remove CF's hand): hala..ayaw na niya bitawan...


[k stared back at s]


k (without a second thought finally blurted): buti ka nga ayaw bitawan..e ako?? bigla na lang binibitawan, pinapakawalan, hinahagis pa sa sahig..


[s laughed at what k had said]


[k remained silent]


 


 


+talk about being bitter+


psssft.
enough said.


(xxx)

***this time i surrender

"maghihintay ako. sagaran. kakayanin ko."



hekk.
mga salitang binitiwan ko sa isang taong minahal ko.



baliktad noh?
ako yung maghihintay. usual kasi sa mundong ibabaw na ang mga lalaki ang naghihintay sa mga babae habang inaasam ang matamis nitong "OO"..



pero wala namang rule tungkol diyan e.
wala namang kasarian ang mga desisyon. walang panlalaki. wala ring pambabae.
kaya, ginawa ko iyon.
wala namang mawawala e.
at lalong walang masama kung gagawin ko.



malakas ang loob ko noon.
mahina ang kaba ko sa takot.
marami akong mga bagay na noon ko pa lamang nasubukan.



mahirap pala kapag binabalewala ka ng isang taong pilit kang nagpapapansin.


mas masakit pala ang balik nang itinatakwil ka ng iba.



pinilit kong manatili.
kumapit ng mas mahigpit.
desidido akong hindi bumitaw.


adik.
oo.
sadyang adik ako ng mga panahong yon.



pero, wala akong nagawa.
hindi umubra ang powers ko sa kanya.


ayaw talaga e.



ngayon.
sinusubukan ko ng lumimot.
unti-unti ko nang ibinabaon ang kahapong dati'y ayaw kong pakawalan.


ngayon,
nalaban ko na yung jacket kong ilang linggo kong hindi nilaban dahil kumapit dito ang amoy ng pabango niya.



ngayon,
natanggap ko nang hindi pwedeng maging kami.



sa bandang huli,
isa lang ang hinihiling ko.


sana hindi na lang kita nakilala.
sana hindi ko nalang nalaman na may taong nabubuhay tulad mo..
minsan nang umikot ang mundo ko sayo.


ngayon,
pinaninindigan ko na ang muling pagbangon ko.


paalam.
salamat.


hanggang sa muli.



psssft.
enough said.
(xxx)

4.03.2007

just had my teeth out. ouch! >_<

April 2, 2007




today.
i just had my 2 wisdom teeth extracted.



one was taken under a minor surgery.
the other via simple extraction.



it started hurting last week.
then when i had my dentist check on it last thursday, she told me that an oral surgeon had to take it out and i have to undergo a minor surgery.


i had my panoramic x-ray taken and it was discovered that my 4 wisdom teeth, literally all of them, has to be extracted.


the remaining two at the right side of my mouth has not yet erupted so i could have them removed some other time, next year perhaps.



the ones at my left side has to be taken out since the lower tooth was hurting already and according to the oral surgeon who examined the x-ray, it is already found within my jawline and its roots were already touching the nerveline.



we scheduled the operation on a monday since i'll be starting my summer classes next next week.



my mom went with me to the dental clinic.
there, we waited for like 1.5 hours before the oral surgeon arrived.


1:05pm.
the oral surgeon asked me to come over for we are about to start the surgery.


he asked, "are you ok? what's your name again?"


"im ok po.it's kat."


he said, a bit confused, while wearing his surgical gloves "katy? katy, is it?"


i shook my head. "no, it's kat. katrina.."


"well, kat, don't worry. you'll be doing fine."


"are you tensed?" another dentist asked while putting on a piece of cloth and small towel over my chest.


"a bit." i answered.


"well, don't be. he's a very good surgeon. right, jon?"


the surgeon just smiled in response to the comment given by his colleague.


he then placed something on the inner walls of my cheek then it started to slowly become numb. he then applied the same gel-like thing on my lips.


"dati akong beautician e," he jokingly said.


being unable to speak, i just smiled back at him.


then he asked,
"are you afraid of needles?"


i shook my head. im a nursing student. i poke other people's skin and inject vaccines on their muscles. i'm so used to it.


he then took out a very long metallic syringe with a glass tubing assuming that it is the anesthesia. the needle was wider in diameter than what we usually use for immunizations.


he then gave me 3 shots of the anesthesia surrounding the area where my wisdom tooth was.
it didn't hurt.

well, a bit.


he switched the light over my mouth off.
then he left.



he came back.
bringing in some tools that he has to use for the entire operation.



he asked, "so are you in college?"
this time, i really couldn't speak clearly so i just nodded my head.


"taking up what course?"


since i know i couldn't demonstrate what my course is, i tried my best to answer back.


"nehhhhhrrr-shing."
"oh..in what school?" he asked.


at back of my mind i was thinking, i just hoped that he understands that i couldn't speak clearly and that it's difficult to talk with your mouth all numb.


"m'k-ti med."
"good.good," he replied.



"you're in what year now?"
this surgeon is already giving me a hard time to reply to his questions, that in my opinion, he should've asked them earlier. to answer him this time, i just signalled using my fingers.


"oh.4th year.graduating ka na! oh well, good luck."


i duno what my facial expression appeared that time since i cannot control my face anymore, but i believed i've given him a smile. [well, at least i felt my eyes smiled]


he gave me 3 more shots of the anesthesia. it didn't hurt this time [with all honesty]. however, the fourth shot made me tilt my head and jerk on my seat.


"sorry dear.pasensya na.." he told me while caressing my cheek with his free hand.


at that moment, even though it did hurt really badly, i felt that im in good hands. he's such a caring surgeon. [not to mention that he smells good too. ^_^]


after that, the other dentist came.

"o, masakit ba?" she asked.
before i was able to answer, well at least convey an answer, the surgeon said..


"hindi yan masakit. nursing student e.ayos toh!"


he then started inserting a screwdriver-like instrument in my mouth.


"does this hurt?"


being unable to feel anything that moment inside my mouth, i shook my head.


"ok.so let's start."



he started drilling, inserting instruments one after the other,
suctioning the blood, inserting cotton balls with gauze.



i could tell that he is having a hard time since he had numerous attempts to take my tooth out using an instrument that looked like a huge forcep and he had to forcefully poke the tooth for him to get the crown and finally, the roots.


it lasted for over an hour before he said.
"it's out."


"pati upper?" the other dentist asked.


"nope.ung lower pa lang." he replied.



he then poked the upper tooth.
in a matter of seconds and with the use of such little force,
he got my upper tooth loose and picked it up using a forcep as it rests on my tongue.
"ok na!" he said.



that was fast.
really fast.

he turned to me and said,


"gargle muna sweetheart."


sweetheart?! err.ok.


after gargling,
he got a needle with the suture.
man! i know that thing! and i know how it looks like being inserted within the layers of the skin. i could hardly imagine my gums being stitched up with blood oozing out after every insertion. he made 3 stitches at my lower tooth and 1 at the upper.



after stitching, he inserted a cotton with gauze inside my mouth and asked me to close it.


"il just show ur mom ur teeth a. you can rest na muna"
he went out pf the room and looked for my mom.
i can somewhat hear their conversation.


i lied there on the dental chair.
i relaxed myself.
finally. it's over.


i prayed.
for everything went pretty well.
thank god for the hands of that surgeon,
nothing bad happened.
it was all safe.


right now.
at the post operative stage,


im having a hard time eating.
for i couldn't open my mouth.
worse, i couldn't smile.
ergo, i couldn't laugh my heart out!
[i remember hitting my brother for imitating my face that i couldn't at least smile and my sutures started to hurt]



i can feel the inflammation setting in.
i have to put ice packs on my face and take in some analgesics to relieve the pain.



right now, im experiencing what they call the 'phantom pain'..since i could still feel my teeth hurting as if they were still there.



i look like a chipmunk.
for days, this is how im gonna look like.
hahahha
imagine.
just imagine.


^_^



enough said.
pssft.
(xxx)

***imago's 'SUNDO'

have u heard the song "SUNDO" from imago's latest album entitled 'Blush'?


wala lng.
maganda.
ahehehe


pero.
start palang ng taon na ito.
i've been addicted to that song already.
[mejo asar lang kasi nauuso na siya ngayon kaya nagiging overplayed na siya sa radyo]


the melody of the song.
the tempo.
the strumming of the guitar.
the drumbeats.

sakto lahat.
pati boses ni aia de leon, super soothing pakinggan sa tenga.



as the song starts,



"kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo..para hanapin..para hanapin ka.."

typical na nangyayare sa umpisa ng buhay pag-ibig. naghahanap ka nang tamang taong mamahalin.


ang hindi lang typical dito e babae ang nagsasabi nito sa isang lalaki.
[inassume ko na ganon nga dahil babae ang vocalist ng nasabing banda]


tulad nga ng sinabi ko, wala namang rule pagdating sa pag-ibig.walang kasarian ang desisyon.

pero.
tama bang hanapin ang isang taong dapat mong mahalin? o mas mabuting antayin mo na lang silang dumating?



"nilibot ang distrito ng iyong lumbay...pupulutin, pupulutin ka.."


ok.
lungkot.hinagpis.depression.

sa mga panahong ramdam mo ang mga ito mas nagiging fragile ka sa mga bagay na dulot ng mundo.


pero.
dito madalas nahuhulog ang loob ng isang taong minsan nang naging lugmok sa buhay sa kung sinumang nagpapalubag ng loob niya.

minsan,
ang comfort na ibinibigay ng iba ang nagiging sanhi ng tuluyang pagka-fall ng isang tao sa tagapag-bigay nito.


ironic.
hindi.
ano ba?!
ahehhehe




"sinusundo kita..sinusundo.."

enough said.
plain and simple.
nagmistulang isang redeemer, savior, o tagapagligtas ang nasabing tao sa panahon ng pagkakalugmok.

"asahan mo..mula ngayon, pag-ibig ko'y sayo..asahan mo..mula ngayon, pag-ibig ko'y sayo.."


ano pa ba ang dapat ipaliwanag dito?

once you've found wat you've been searching for, tlagang you become ready to give in everything and offer whatever it is that remains in you...[naks!! dramatic!]

"sa akin mo isabit ang pangarap mo, di kukulangin ang ibibigay.."


it's been a part of loving that
sometimes
we have to give parts of our lives and share with our partners what we have.

pero syempre.
there should be an assurance na it is mutual and both parties benefit from it.

they should complement each other.
supportahan kung baga.

"isuko ang kaba tuluyan kang bumitaw. ikaw ay manalig, manalig ka.."

all this line was asking for is trust. you have to let go of what you fear and just be confident that
lahat makakayang gawin.

malalampasan ang kada pagsubok at problema basta u keep ur faith and trust that you'll get through everything together.


"sinusundo kita..sinusundo..
asahan mo..mula ngayon pag-ibig ko'y sayo..asan mo..mula ngayon pag-ibig ko'y sayo..asahan mo..mula ngayon pag-ibig ko'y sayo..asan mo..mula ngayon pag-ibig ko'y sayo.."

wala naman.
umulit lang ung lines.
ahehehhe


as the song closes,
paulit-ulit nitong sinasabing


"handa na sa liwanag mo
sinuyod ang buong mundo.
maghihintay sa iyong sundo.."


parang nagpaparinig.


eto.dito.
this time.
the person is ready.
she's just waiting for her "sundo" to come, fetch her and give love a second try.


pssft.
enough said.
(xxx)

***telekinesis

napatunganga nanaman ako.
pssft.


as usual.
what's new.



pero this time,
hindi ito usual.
at lalong this is something 'new'.


e kasi naman,
may kagaguhan akong ginawa.



hindi naman tlga 'ginawa' pero
at least,

hmmm.
o ayan,
'sinubukan'.


hakker.
wala lang.
titignan ko lang kung totoo.



gusto mong malaman kung ano?
err.



pilit muna.
ahhaha.
[parang tanga]



oh well,
babanggitin ko rin naman toh later,
so id rather tell it na.
[psssft.daming arte]
ahhahha



e kasi.
sinubukan kong mag-telekinesis.
ahhaahhaha


[sige.go.laugh.daliiii!!!]


oo.
nabasa mo un nang tama.
telekinesis.


sinubukan kong tawagin yung isang taong matagal ko nang gustong makausap.



with matching full concentration at eyes closed pa,
sumisigaw ako sa aking isip.


sinisigaw ko ang pangalan ng taong yun kasabay ang rhythmic na paghinga.



*inhale*
*exhale*



*inhale*
*exhale*




sa sobrang lakas ng intensity ng nararamdaman ko at habang pikit na pikit ang aking mga mata,
bigla akong naluha.



napatigil ako sa aking ginagawa.


na-realize ko.
SHET!!!



ano ba tong ginagawa ko?!?!
sobra na toh!!
ano ba, ang O.A.!!!!



napatanong ako sa aking sarili,
normal pa ba 'ko?!
nasa katinuan pa kaya ako??




e kasi.
sinusubukan kong:

mag-move on.
kumawala.
makalimot.



pero hindi ko kayang tiisin ang pagtawag ng damdamin ko.



BAKIT? BAKIT? BAKIT?



habang litong-lito ang aking utak.
napatanga ako sa ballpen na hawak ko.


sana.
parang retractable pen na lang ang buhay.



sa isang kalabit,
handa itong sumubok.
sumugod.harapin ang hamon ng buhay.



pero sa isang kalabit din,
sa kung anong bilis ng paglabas ng pluma nito,
ganon din kadaling umatras.kumalas.
at mag-move on.



pssft.
enough said.
(xxx)

***paper

once we had this grand case presentation.



ay.
that never happened 'ONCE'.


since four groups kami sa class,
it happened four times pala.


aheee.
sorry.
errata.
ahheheh



pero there was this certain presentation (i think yung last yun) where i attended it without a printed copy of their paper.



e kasi.
inantok nako the night before kakahintay sa gumagamit ng pc to print their work.



anyway.
what i did is,
i tried borrowing a copy from a seatmate.


kat: "err..ok lng? borrow?"
*nag-nod si seatmate*



finally i got a hold of their work na.
i was reading the first page.
wow.


2 columns ang arrangement.
font 3, single-spaced.


and while reading it,
i never realized that it is a 14-page back to back paper.


hakker.
ang adik!!!


imagine.
they started typing on a blank microsoft word page and they ended up completing a 14 page, single-spaced font 3 paper na back to back pa!!


pssft.
i bet it composes of hindi lang 5,000 or 10,000 words!


elibs akitch.
sobra.
yun lang.




pssft.
enough said.
(xxx)

untitled

you left me here alone
with nothing to call my own


in silence and despair
i can no longer find you anywhere


does time slip fast for me to just release you?
am i that ready to finally find someone new?


are my feelings that once were so strong and sure suddenly starting to fade?


when i decided not to move until fare well to thee you bade..


 


pssft.
enough said.
(xxx)

weird.

My heart belongs to somebody who disowns it.



yes.
it does.



it's been a month since the last time i saw this person.


and i thought, things will be a lot easier for me to accept if we just don't see each other.



darn.
i was wrong.



it was even harder.
[and more difficult]
since i'm longing to see him [in flesh].



i've had a lot of dreams with him in it and i've even felt his presence in weird ways.



yet those only made more
"desperate" for him.



wanting more of him...



>_< pssft.



i just hope that things are gnna be lot easier if i'd just stick with what i truly HAVE than with what my heart longs to possess.



(xxx)
enough said.