December 31, 200612:40am
year ender post.
tae.
isang taon ang lumipas pero eto p rin ako.
aheeee.
ganon pa rin.
pero malaki ang pinagbago.
huh? labo.
oo.ganon ata tlga.
aun nga.
siguro
ang masasabi ko lng sa nagdaan na taon na ito..
mejo naging super rollercoaster ang mundo ko.
dahil sa mga bagay bagay na hindi ko naman kontrolado.
halimbawa na lang.
kontrolado ko ba ang utak ng aking professor ng magbigay siya ng isang do or die na tipo ng test na kung saan pag nasagot mo ang nag-iisang katanungan, 100% ang grado mo.pero kung ndi, 50% ka lang?partida, bunutan pa ang tanong. at isa pa, un lang at katangi-tanging test sa buong midterms.
so ano ang grade na nakuha ko?
edi 50%.
sandaling pagtayo mo lang sa harap.
bagsak ka na.
at dahil don.
ayoko na mag aral.
iyon ang nagsilbing mitsa ng aking katamaran.
hindi na ako nagrereview.gumagawa ng homework at nagpapasa ng requirements.
sa madaling salita, hindi na ko nag-aaral.hanggang sa mawala na ako sa dean's lister at naging puro dos na ang dating niruruler kong grade.
pero wala.
tamang sige na lng.
oo ka nlng.
hinayaan ko na lang umagos ang panahon hanggang sa naging third year na ko.
dito rin sa taon na tohn
atuto akong maging mejo rebelde sa aking pagkikilos at pananamit.
sa taong ito rin ako nagsimula maging sarili ko.
tipong nawalan ako ng pakialam sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao.
binago ko ang buhok ko't mas naging pihikan ako sa pagporma.
mas naging "creative" pa ako sa paghahayag ng aking sarili.
ngayon, meron na akong pa-post post ng blog na nalalaman.
dati, wala akong panahon sa mga ganitong bagay.
pero nakita ko ang kahalagahan ng pagbabahagi sa iba ng aking pakiramdam.
marami rin palang bato sa mundo.
akala ko, naiwan lang akong nag-iisa dito sa buhay na toh.
halos lahat ng tao sinasabing hindi ako bagay maging emo.
pero.
ndi ako plastik.orocan.tupperware.
at kung anu-ano pang tatak ng di nabubulok na lalagyan.
mahirap maging peke sa sarili mong katauhan.
at lalong mahirap panindigan sa iba ang nais mong pangatawanan.
mas nakilala ko rin ang sarili ko nitong taon.
hindi lang pala ko isang taong manhid na tagapagmasid ng mundo.
marami rin pala kong pwedeng ibahagi sa iba.
ewan ko lang sa kanila
pero para sa akin, malaking bagay ang napapakita ko ang kaibahan ko sa lahat.
tae pala ako.
este
tao pala ako.
hindi pala ako ganon ka manhid na parang tinurukan ng sampung anistesya ang puso ko para hindi na ako kailan pa makaramdam.
kung iisipin, siguro mga limang beses lang tinurukan ang damdamin ko.
kahit pano.
nakakaramdam pa pala ako ng sakit.
tama lang pala masaktan.
para matuto ka.
naranasan kong iwanan ng iba.
mang-iwan ng iba.
mambitin sa ere.
malugmok mag-isa.
lahat nitong taon lang.
un nga lang.
kapag hinayaan mong saktan ka ng iba,kelangan mong bumangon mag-isa mo.
iiwanan ka na lang nila ng ganon ganon lang.
habang ikaw, nagmumukmok na lang sa isang tabi't di malaman kung ano ang sunod na gagawin.
bahala ka talaga sa buhay mo.
pero sadyang ganon.
walang pakialam ang tao sa damdamin ng iba.
marami ang puro sarili na lang ang iniintindi.
parang walang bukas kung magpaka-busy.
teka.
parang ako yata un.
masyado ko kasing hinayaang maubos ang panahon ko sa mga bagay na hindi rin naman pakikinabangan ng iba.
pang-sarili ko lang.
hindi ko inintindi yung damdamin nila.
nakalimot din ako sa mga dapat kong gampanan sa kanila.
naging malaki ang pagkukulang ko hanggang sa akala nila, nakalimot na ko ng tuluyan.
mahirap tumungtong sa mundong tinatayuan ko ngaun.
maraming mga "sana" na hindi ko ginawang "dapat"
huli na nang maisip ko lahat un.
pagsisisi na lang ang natira sa akin hanggang ngayon.
pero
ganyan nais paikutin ng Diyos ang mundo.
kaya kapit lng.
agos lng.
makikita ko rin ang hatid ng bagong taong darating.
maging maligalig lang sana ito para sa akin.
*buntong hininga*
*bow*
December 31, 2006
01:30am
**while listening to imago's "sundo"
(xxx)
enough said.
12.31.2006
Subscribe to:
Posts (Atom)