6.07.2007

***sorry



Sorry, di kita mapagbibigyan.
Sa tagal ng panahong hinintay
Lalo lang akong nasaktan.



Sorry, di kita matutulungan.
Sa kung anumang problemang
Mayroon ka't iyong pinagdaraanan.



Sorry, di kita basta basta pababayaang
Maghimasok muli sa buhay kong
Minsan mo nang tinalikuran.



Sorry, di na ako yung taong dating kilala mo.
Sa tagal ng panahon
Pinalipas mo lang ang isang tulad ko.



Bandang huli,
Eto lang ang maipababaon ko.



Sa tanang buhay kong ito,
Minsan lang kita puwedeng mahalin.
Sa paraang di magagawa,
Nang kung sino pang darating...

(xxx)
enough said.

No comments: