2.25.2007

***untitled

pssft.browse.browse.browse.
eto lang ang ginawa ko maghapon.simula 9am hanggng sa kasalukuyang mag-aalas singko ng hapon..
marami nkong nabasa.
enough na un.tama na.

bket.
kasi.
naiinggit lng ako.
kung bakit sa dinamirami ng pagkakataon.
bigla na lng gumuguho ang lahat.
emo.
fine.
oo.
emo ako.
tinatanggap ko ng maluwag sa aking kalooban ang pagiging emo.

pero hanggang kailan.
ewan.

siguro.
sapat ng naipapakita ko ang tunay kong nararamdaman.
sapat ng kaya kong magmukhang tanga kakaiyak sa isang bagay na dko kayang
panghawakan.
sapat nang alam kong ako na lng ang nasasaktan.


oo.masakit.
at mahirap pagdaanan ang nararanasan ko ngayon.

kasi.bket nga ba?

e kasi.nagmamahal ako.
oo.meron akong taong minamahal.
kaya lahat ng bagay na kabilang siyakinakaya ng powers ko.
di bale ng maging masakit.
maging mahirap.
maging di makatotohanan.


basta
alam ko ang totoo.
oo.ang totoo.

mahal kita.
sana ramdam mo un.

di mko binigo sa kada araw na magkikita tayo.
lagi mo kong pinapasaya.
oo.tatlong beses pa lang.
tatlong masasayang lakad na ang meron tayo.

di kelangang mging magarbo.
oo.low maintenance akong babae.

iupo lang sa tabi, instant date na.
kahit kailan hindi ko makakalimutan
mga simpleng detalye ng ating mga lakad..

tulad ng pagtitig mo sa aking mga mata
na iniiwasan kong tignan kaya hinahampas kita..
ang kada batok at hampas mo sa akin ng unang si rugby.

sa tuwing hinahawakan mo ang di ko sinuklay na buhok.
at lalong
masaya sko sa kada pagkakataong hinahawakan mo ang kamay ko.
sa kada halik na ibinibigay ng iyong mga labi.
sa mga yakap ko sayong kailanma'y hinding hindi ko pa nagagawa sa iba.

sayo lang ako nagkaganito.katangi tangi ka sa buhay ko.pssft.
wala akong pakialam sa tagal na nakasama kita.
hindi kumakabilang sa akin na hindi pa kita lubusang kilala.

nagmamahal ako.
nagmamahal ng totoo.
handa ako sa mga bagay na maaaring makahadlang.

oo.hinahanda ko na ang sarili ko.
sa mga bagay na di mo alam kung gaano nakakasakit sa akin.


"maging magkaibigan muna tayo" ang sabi mo..
tanggap ko na un.oo.tinatanggap kong hanggang doon lng muna.

hindi ko pwedeng pagpilitan ang sarili ko sa iba.
hindi un magiging tama.
kabalastugan at pagiging gunggong lang ang makagagawa non.


"hindi pa talga ko makabitaw sa knya.." *sabay lingon*
mga salitang tuluyang nagpabago ng ihip ng hangin...
hindi ko napigilan..isang patak ng luha ang dumaloy sa aking pisngi.
shet.


kawawang puso.
tuluyan nang nadurog.fine.oo.tanggap ko.sige.
hindi ako susuko.itutuloy ko ang laban kong toh.isang malaking paghahamon.

karma.oo.karma.isang bagay na ipinabaon sakin ng isang taong minsan kong nasaktan.
totoo nga naman.ganitong ganito rin ang mga linya ko sa kanya.pero ngaun, baligtad.ako ang nasa kinalalagyan niya.


ako ang taong handang ipamahagi ang parte ng buhay ko kasama siya.pero anong nangyari.wala.nasaktan ko lng siya.


enough.enough.emo mode nnaman.
totoo.sigurado.mahal kita.sagaran.handa ako.



(xxx)
enough said.

No comments: