parking: full
feb. 26, 2007.
3:00pm
naglalakad ako sa isang parking lot sa may ayala.
kasa-kasama ko ang dalawa ko pang ka-grupo.
nanggaling kami sa mcdonald's.
bumili ako ng lunch.
ganon tlga kapag merong duty.
sa hapon mo na mapapanatag ang kumakalam mong sikmura.
sa aming paglalakad, napagmasid namin ang mahabang pila ng kotseng nakahinto sa
daan.
isa.
dalawa.
tatlo.
apat.
lima.
anim.
oo.
anim na sunod-sunod na nakahilerang kotse ang aming nakita.
nagtiya-tiyagang mag-abang ng mababakanteng lote.
pssft.
natawa kami.
ang labo.
ang tiyaga.
nag-aabang ng gnon katagal?!
isang malaking aksaya sa oras.
kahit ano pa,
naglakad kami ng tuluyan.
natanaw namin sa malayo.
ayun! *sabay turo ng kamay na may hawak-hawak na plastic ng mcdo*
sa dulo ng pila, may isang nakahintong kotse.
oo.
hindi ito gumagalaw.
kaya pala hindi makapasok ang ibang nais pumarada.
ang damot niya.
(naisip ko.)
bakit kailangang bumara siya sa daraanan ng iba.
hindi ba niya alam na nakaaabala na siya sa iba pang paparada?!
hindi ako galit.
nadadamutan lang ako sa kanya.
hindi maka-tuloy ang ibang kotseng nais pang tumuloy.
pssft.
may isang malaking hadlang.
kaya naman pala.
tuluyan kaming naglakad.
punong-puno talaga ang parking lot na iyon.
wala ni isang bakante pero marami pa rin silang pinapapasok.
ang labo.
ano un, pahaharangin na lang nila ang mga kotse sa gitna ng driveway?
pssft.
tapos tapos
uubusin nila ang oras nito at pagbabayarin ng P40 for the first two hours (na mauubos lang
sa paghihintay) at P10 for every hour (na aaksayahin pa rin sa kahihintay).
ganon pa man,
pinili pa rin nilang pumasok.
sa aming paglalakad,
napansin naming
maraming mga driver ang tumatambay sa loob ng kotse.
napaisip ako.
bakit ang ibang kotse hindi magawang iwanan ng mga driver?
dahil ba BMW, porsche at jaguar ang tatak ng minamaneho nilang oto?!
aba.aba.
kung ganon, pagsabihan nila ang mga amo nilang mag commute na lang patungo sa
pupuntahan nilang lugar.
ganito ang usual na mga pangyayari sa isang parking lot.
mga nasayang na space gawa ng wala sa linyang pagparada ng nagmamadaling driver.
mga nag-aagawang driver na parehong naghintay ng matagal para sa iisang bakanteng lote.
mga kotseng nag-iingay at nag-aalarm (as if nanakawin) sa tuwing may daraang sasakyan.
mga driver na napagod na sa kaaantay na lalabas na nga lang ay magbabayad pa para
makaalis sa parking lot.
*teka.commercial muna*
*natutulala ako*
........
........
........
sige.
aun.
sa aking pagtutulala.
naisip ko,
kapareho pala ng pag-ibig-buhay (lovelife) ang isang parking lot.
oo.
una.
maraming taong umiibig ang nagtiya-tiyagang mag-abang at maghintay kahit alam pa nilang
mayroon silang ka-agaw ko ka-kompetensya dito.
pangalawa,
maraming taong umiibig ang umaasang mapagbibigyan sila ng pagkakataong maging parte
sa loob ng kahit ilang sandali sa buhay ng kanilang napupusuan.
ikatlo.
maraming taong umiibig ang hindi maka-"move-on" gawa ng pansariling intensyong hindi
nila namamalayang nakaaabala na pala sa marami.
ikaapat.
maraming taong umiibig ang kinakailangan ng seguridad o paniguradong magbabantay ng
kanilang puso upang hindi ito kailanma'y makaranas ng sakit.
ikaanim.
maraming taong umiibig ang handang mag-abang at maghintay ng kahit gaano katagal
upang subukin ang kanilang swerte sa pagmamahal.
ikapito.
maraming taong umiibig ang dumarating sa katapusan ng kanilang pagmamahal at
kinakailangang umalis upang hayaang maging malaya ang minsang minahal na puso.
ikawalo.
maraming taong umiibig ang umaalis sa buhay ng kanilang minamahal at handang
pagbayaran ang paniningil ng sandaling ligayang natamasa.
ikasiyam.
maraming taong umiibig ang hindi nabibigyan ng patas na panunuring ng mga taong
pinilingmahalin ng kanilang damdamin.
at ika-sampu.
maraming taong umiibig ang sumusubok, naghihintay at kumakapit sa pag-asang
pinanghahawakan...ngunit sa huli, kinakailangan ring bumitaw, umusad at manatiling
matatag at matibay sa pagpapatuloy ng naumpisahan nang solitaryong buhay..
(xxx)
enough said.
No comments:
Post a Comment