2.26.2007

***malayang pag-iisip

ano ba ang hamak na maaaring maidulot ng isang linya ng kuryenteng hinayaang nakasabit sa sanga ng puno.


hmmm..
una, magkakaroon ng sunog.
at kung may sunog, merong apoy.
at kung may apoy, may usok.
at kung may usok, puwedeng maka-suffocate.
at pag may na-suffocate, puwedeng mapatid sa bato.
at pag napatid sa bato, puwedeng bumangga sa poste.
at kung bumangga sa poste, puwedeng matumba ito.
at pag natumba ito, mahihigit at mapipigtas ang mga kable ng kuryente.
at ano ang dulot?



blackout.
kat: wow.buong luzon talaga dapat??


ai hindi.
sorry naman.
masyadong malawak ang sakop.
palitan natin.



hmmm.
kat: brownout.pssft.
oo.
oo na.
tama na.
ako nanaman ang mali.
*nagpipigil mambatok*


kahit ano.



mabalik tayo...
ang epekto:
mawawalan ng kuryente.dulot ng apoy.na nagsimula sa sunog.dahil sa linya ng kuryenteng hinayaang nakasabit sa sanga ng puno na alam naman ng lahat na easily combustible ang mga dahon nito.



pssft.
bakit hinayaan?
ewan.
sadyang ganyan ang tao sa mundo.



oo.
lahat ng tao sa mundo.
*teka.parang nahilo ako*
*humawak sa ulo*
*stable na ulit*



sige.
back to typing.



aun nga.


lahat ng tao.
pabaya.
walang exemptions.
walang exceptions.
baket?
e sa lahat nga e.
bakit ba?
err.



sa tingin mo ba.
kung ndi pabaya ang mga tao sa mundo,
magkakaroon ng gera?
magkakaroon ng di pagkakaisa?
magkakaroon ng generation ng mga nuclear bombs at biological warfare?
matutumba ang twin towers sa new york?
mauuso ang edsa I na nasundan pa ng edsa II at III?
masasakop tayo ni Magellan na napatay ni Lapu-lapu sa kanilang paglalaban?



hindi diba.
kung walang maramot na tao.
magkakaroon sana tayo ng kapayapaan.
oo.
merong peace.
*with matching lumilipad na dove*



meron tayong kalayaan.



tuluyang magiging panatag ang umiikot nating mundo.
umiikot ito sa loob ng 365 days sa sarili nitong orbit.
minsan *kung gusto mong leap year ang setting* 364 days.
ayan.
dapat ganyan.


may mga choices na ino-offer.
may mga options ang tao.


bakit?
dahil merong free will.
oo.
meron kang kalayaang makapagdesisyon sa kung anong landas ang nais mong tahakin.
meron kang pagkakataong mabago ang agos ng tadhana sa sarili mong buhay na ikaw lang..
oo.
ikaw lang..
ang may hawak.



ikaw lang ang may pananagutan dito.
pero.pero.pero.
hindi LANG ikaw ang apektado.



bket?
bket?
tinatanong mo kung bket?
wait lang.



iniisip ko pa kung bket.
wala akong maisagot.
teka.
*indian sit with the baba of the face resting on one hand while looking upwards sa kisame*
bket nga ba?
e kasi..



konektado lahat ng tao.
oo.
we are all connected.
parang sa commercial ng globe telecoms.
akala mo walang nagdurugtong sa mga tao sa mundo.
pero.
pero.
may isang invisible blue ribbon band na bigla na lamang susulpot sa mga kamay ng dalawang taong magkalayo.


astig.
ang galing.
oo.
makatotohanan un.
except don sa blue ribbon band na nakatali sa bawat wrist ng tao.


heee.
ano.
naligaw na tayo sa umpisa?



hindi a.
lahat ng tao konektado.
lahat ng tao dapat magkaroon ng pakialam sa mundo.
lahat ng tao ay di dapat maging pabaya.
dahil



malaki ang magiging pinsala nito sa buhay ng iba.
oo.
hindi man literal na buhay LANG niya ang apektado.



ang hindi niya namamalayan ay unti-unti na niyang winawasak ang buhay ng iba.



pero.
hindi niya ito kasalanan.
dahil tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot,
wala siyang magagawa.
itinakdang maging ganon ang kalagayan niya.
pero pero.
maaari niya itong maremejohan.
mabawi sa iba.



pero
bakit meron pa ring nagpapaapekto.



bakit?
kasi tulad ng nabanggit ko kanina.
siguro mga one minute ago lang yun.
na ang
lahat ng tao ay itinakdang magkaroon ng free will.
nasa tao na un kung papaapekto siya sa mga gawi ng iba.
sarili niyang option.
sarili niyang choice.


err.
bkit ko sinasabi toh?
dahil
kailangan ng malawak na pag-iisip kung nais mong mabuhay ng matiwasay sa mundo.


huwag matakot bumitiw sa kung ano man ang pinanghahawakan sa ngayon.
hindi mo mararanasan ang ligayang dulot ng ibang bagay na hindi mo napapansin sa mundo.


either hindi mo napapansin o talagang sadyang hindi mo pinapansin.



kahit ano pa man.
meron kang choice.
meron kang option.






mag-isip ng malaya.
walang mawawala.

(xxx)
enough said.

No comments: