Feb 25, 2007.
Nagsimba kaming lahat.
7-8 pm ang schedule ng misa.
lahat nakaupo na.
kompleto ang pamilya.
ang usual na upo ng aming mag-anak ay
tatay ko, nanay ko, yung bunsong kapatid ko,
yung pangatlo, ako at sa pinakagilid yung ate ko..
tuloy tuloy ang seremonyas ng misa.
walang naging aberya.
asa bandang huli na ng parte ng misa nang nagkapalit-palit kami ng upo.
kagabi.
pagkatapos ng communion (bigayan ng ostiya)
naiba ang aming pwesto..
simula noon
nakatabi ko ang aking ama.
iba ang pakiramdam ko.
ibang iba.
si didad.
yan ang tawag ko sa aking ama.
(na kapag binigkas ay kabaligtaran ng daddy)
naramdaman ko ang init ng kanyang katawan.
ang bawat paghinga niyang sinasabayan ng braso kong nakadikit sa braso niya.
lumingon ako saglit.
tumingin ako sa kanya.
pinagmasdan ko ang kanyang mukha.
tulad ng sinasabi ng karamihan
magkamukha talaga kami.
Nakatingin siya sa malayo.
deretsong nakatitig ang kanyang mga mata.
nakadekwatro ang mga binti
at nakatupi sa dibdib ang kanyang mga bisig.
Napayuko ako.
Naluha.
Matagal ko na pala siyang hindi napapansin.
sa konting saglit ng pagtingin ko sa kanya,
napagmasid kong
nagkaka-edad na siya.
50.
oo.
singkwenta anyos na ang aking didad.
katatapos lang ng 50th birthday niya.
30 years ang aming agwat.
20 years na kaming magkasama.
Pero
nasaan ako nitong mga huling sandali.
nasaan ako't tila ang dami kong nakakaligtaan tungkol sa kanya.
napa-flashback ang aking makitid na utak.
naalala ko ang mga bagay na dati naming ginagawa magkasama.
hinahangad ko muling maranasan ang mga bonding sessions ko kasama siya.
ang pagturo niya sa akin kung paano mag gitara.
ang mga kalyong nagsusugat sa aking kaliwang kamay.
ang pag-gabay niya sa kada instrumentong pinag-aaralan ko.
ang pag-ayos niya ng aking mga daliri sa mga panahong hindi ko kayang abutin ang mga kwerdas ng aking gitara.
ang walang sawa niyang pag-totono ng gitara kong nagiging sintunado kapag ginagamit ko ito.
bumalik ang aking malay.
naiiyak ako sa tabi niya.
naluluha ako.
unti-unti kong sinandal ang bigat ng katawan ko sa kanya.
hindi siya umiimik.
hindi siya gumagalaw.
deadma.
hindi niya ko pinapansin.
hindi ko ipinahahalata't tinakpan ko ng bangs ang namamasa kong mga mata.
oo.
siya ang kinikilala kong ama.
na muli kong nakatabi't nasolo sa sandaling panahon na iyon.
sa konting minuto, muli kong nakatabi ang taong sigurado akong nagmamahal sa akin.
ang katangi-tanging lalaking nagmamahal sa akin..
na sigurado kong iniibig ako ng totoo.
(xxx)
enough said.
No comments:
Post a Comment