kailan nga ba ako naturing na mahalaga...
na ni minsan sa aking buhay ay hindi ko pa nadama..
hanggang saan patutunguin ang kalungkutang tinatamasa...
isang tawag ng paghimig kong nag-iisa...
tuwiran at malayo ang laging natatanaw...
pagsuyo ng pag-iisip kong lubos na nauuhaw...
sa kada tagpo ng pagdaramda'y hindi sadyang...
malumbay ng higit pa sa makakayang matimbang...
masakit mang mapagtantong mahirap magpadala...
sa katotohanang hindi puwedeng magpawala...
ng poot sa damdamin, puso't kaluluwa...
na maaari lamang palipasin sa pag-iyak at pagluha...
hindi kayang tunawin ng mga matang nakatingin...
ang bawat haplos na kailanma'y hindi maaaring angkinin...
nasaan ba ang pag-aarugang tanging inaasam..
ni kahit kislap ng pag-asa'y di pa nakakamtan...
hindi kayang tumbasan ang hapdi ng nakaraan...
nakatahi na sa kahapong di maaaring palitan...
ang bigat ng kalooban ang tanging pinapasan...
na tuwina'y bitbit pa hanggang sa kinabukasan...
itinakda nga ba ng panahon na ako'y magkaganito?
sa bawat pagkilos at pag-iisip ko ako'y litong-lito...
ang kirot ng nadarama'y kahit pa tumatagos...
matitiis sa panahong di papapigil sa pag-agos...
(xxx)
enough said
10.25.2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment